I woke up with a beautiful view from the beach in our bungalow at nagboost yung energy ko kasi today's the day na magsiswimming kami. Mga 8 na akong gumising kasi mga 10 pa naman kami aalis. Pupunta kami sa iba't ibang beaches sa Palawan for three days. Nagpack si Mama ng mga tankini at cover ups sa isang bag sa loob ng maleta. Kinuha ko yung bag tsaka lumabas na ako ng room at nakita ko sina Kuya na inaayos yung mga gamit nila sa lamesa.
"Linya! Bilisan mo dyan at gutom na kami!", oo nga pala ako ang magluluto ng breakfast.
"Eto na, magluluto na!", sabi ko kay Kuya nung nilagay ko yung bag ko sa sofa.
Nagluto ako ng tilapia tsaka ng mashed potato. Di nagtagal, nagising na rin sina Klarisse, Marco, at Nikko nung patrapos ng matapos yung potato.
"Morning!", siglang sabi ni Marco.
"Mm, ang bango ah. Who's cooking?", tanong ni Klarisse nung nakita niya akong may suot na apron at tinitingnan yung potato.
"Oo nga pala, si Pauline...so I smell..potato, fish.."
"I'm making tilapia with mashed potato, Nikko.", sambit ko.
"Naks! Mukhang ang sarap ng niluluto mo Lin ah!", singit ni Marco.
Hay nako. Hinintay ko na lang matapos yung potato at kumain na kami sa dining room.
"Ughh SO FRICKIN' GOOD!",sambit ni Kuya Vince.
"Mmm sarap grabe!"
"Penge pa!"
"Shit, this is heaven!"
"Guys, chill. Tilapia at mashed potato lang naman yan eh-"
"ANG SARAP!", sabi nilang lahat na may tilapia pa sa kanilang mga bunganga. Kumain na lang ulit ako nung tinawagan ako ni Nikko.
"Lin, this is literally delicious.
"Heh, thank you.", tinawagan ba nya akong Lin? Lin?! Nickname ko yun ah. Ramdam ko yung init sa pisngi ko.
"Uyy, kinikilig si Linya!", sabi ni Kuya Vince.
"Just shut up and finish your mashed.", sabi ko bago ko ilagay yung plato ko sa kusina.
"Hoy hindi ako maghuhugas, ako na ang nagluto!", sabi ko.
"Aba hindi ako!", sabi naman ni Marco.
"Kung sino ang huling matatapos kumain siya ang maghuhugas!", sabi ni Kuya.
Nagsi kainan na silang lahat para di sila ang maghuhugas mamaya ng mga plato. Pero ang nahuli ay si Klarisse.
"Ang dadaya niyo naman!", sambit niya.
"Don't worry babe, tutulungan kita.", sabi naman ni Marco palapit kay Klarisse.
"Bili hugasin niyo na yung mga plato, siswimming pa tayo!", sabi ng bossy na boses ni Kuya.
Tumambay na lang ako sa salas kung saan nanonood si Nikko ng Up. Umupo ako sa tabi niya.
"Up?", tanong ko nung lumingon siya sakin.
"Yeah, my favorite Disney movie.", napatawa ako.
"What's so funny?"
"Favorite ko din yan eh.", napatawa din siya.
"How come?"
"Ang loyal kasi ni Carl kay Ellie. Kahit wala na siya, mananatili pa rin siya sa puso niya. Hindiein sumuko si Carl sa dream nila ni Ellie. Kahit ang tanda na niya, naglagay pa rin siya ng mga balloons sa bahay niya para makapunta siya sa Paradise Falls. Tsaka nakakaiyak talaga yung love story ni Carl at Ellie.", sabi ko sa kanina pang naka nganga na si Nikko.
YOU ARE READING
Status: Just Friends
Teen FictionLet's be honest, hindi lahat ng mahal natin ay mahal rin tayo. Minsan nga wala na tayong space sa kanilang puso. Lagi nalang sa kanya. Sa kanya nagagandahan, sa kanya nagkakagusto. Sa kanya napupunta pagmamahal niya kesa sayo. Eh ikaw naman, ikaw ng...