Stay

30 0 0
                                    

Haay, miss ko na yung spa na pinuntahan namin ni Klarisse. Nakaka relax kasi dun. Sana di yun yung last day kong pumunta sa spa, gusto ko ulit yun mangyari.

Pero kailangan ko muna mag aral ng mabuti. Tsaka gagawa na din ako ng piece ko para dun sa contest sa literature. Itu tutor ko pa si Joaquin bukas pagkatapos ng school. Ay! Oo nga pala, inimbitahan din ako ni Klarisse sa wedding ni Ate Eya, kapatid niya. Pupunta daw kami sa isang mall para bumili ng magandang gown para samin bukas. As you can see, punong puno ang schedule ko para mag spa ulit. 


"Lin, may bisita ka.", sabi ni Mama na kumatok sa kwarto ko.


"Sino daw po yun, Ma?"


"Uhm, di ko kilala eh. Hinahanap ka daw.", luh, sino kaya yun?


"Sige, Ma. Bababa na po ako.", nilagay ko yung History book ko sa bag at lumabas ng kwarto. Nang nasa hagdan nako, nagulat ako nang makita ko siya.


"Hello."


"Uh, hi.", sambit ko pababa ng stairs. "Pano mo nalaman na dito ako nakatira?"


"Uh, ito nga pala oh, para sayo.", sabi ni Joaquin nang bigyan niya ako ng tulips na may orange at yellow.


"Um, thank you.", alam ba niya na paborito kong flower ay tulips? 


"Ahem.", tumingin ako sa may kusina. Nandun si Mama na nakangiti habang si Kuya naman ay parang galit at naka cross yung kamay niya.


"Ah, Ma and Kuya, si Joaquin nga po pala. Friend ko?", tinaas ni Kuya ang isa niyang kilay habang si Mama ay lumapit samin.


"Hi, Joaquin. Ako Mama ni Pauline."


"Hello po, Tita."


"Actually, nagba bake ako ng macaroons. Ipaghahanda ko kayo.", sabi ni mama.


"Ah, sige po. Salamat po.", at finally umalis na si Ma.


"Bakit ka nandito, Joaquin?", bulong ko. Baka marinig kami ng Kuya ko.


"Diba tutulungan mo ako?"


"Oo nga. Pero sabi ko after school, hindi before."


"Eh gusto kong advance eh. Pwede ba?", umirap na lang ako."Geh na nga! Tara sa kwarto ko."


"S-sa kwarto?"


"Huy, wag ka ngang GM! Mas tahimik sa taas tsaka may nagvi videoke sa labas.", at pumunta kami sa taas papunta sa room ko.


"Hoy! Nandito pa ako!", tumingin kami sa baba at nakita si Kuya.


"Mag aaral lang kami!"

.

.

.

Status: Just FriendsWhere stories live. Discover now