Chap 3

1.3K 15 0
                                        

"Magandang umaga, mahal ko." Bati ko kay Aris. "Handa na ang umagahan natin."
Noon pa man, maaga akong gumigising upang ipaghanda ng umagahan sina Aris at Tatay Ramon. Pambawi ko ito sa kanilang dalawa lalo na ngayon dahil dalawang buwan na simula nang hindi na ko tumutulong sa pagtatrabaho.
"Magandang umaga rin sayo, mahal.", balik na bati niya sa akin. "Napakaswerte ko talaga sa iyo. Ikaw at ako ay sapat na para maging masaya tayo habambuhay.  Wala na kong maihahangad pang iba."
"Asus, kay aga aga, nambobola ka. Ang mabuti pa, bumangon ka na diyan at maligo ka  na muna bago kumain."
"Oo na po. Maliligo na po ang mister mo. Ay teka, naligo ka na ba? Gusto mo bang sabay na tayo?" Pilyong tanong niya.
"Tse! Maligo ka na doon sa banyo at ihahanda ko na rin ang mga gagamitin mo."
Wala ng nabitiwang salita si Aris sa halip ay ngumisi na lamang ito at saka lumabas ng kwarto.Nang makaalis na si Aris ay agad kong hinanap ang mga gamit niya para sa trabaho. Kumuha na rin akong isa pang damit para may reserba. Inalagay at inayos ko na sa kanyang lalagyan ang mga gamit niya. Nagising na rin si Tatay Ramon pagkatapos kong mag-ayos. Matapos maligo at magbibis ni Aris ay nagsimula na kaming tatlong kumain at pagkatapos ay humayo na silang dalawa.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon