"Hindi! Hindi! Hindi!
"Ma, ano pong nangyayari sainyo?
"Masamang panaginip?"
"Napaniginipan mo na naman po pala ang nakaraan, ma."
"Anong nakaraan? Kahapon lang iyon, iha. Sariwang-sariwa pa nga sa aking isipan ang mga nangyaring insedente. Lalo na ang sakit na nadarama ko. Teka, nasaan na nga pala ang anak ko? Nakita mo ba si Angelo"
"Nasa langit na po siya, ma. At sa katunayan po tatlong taon na po ang nakalipas matapos mangyari iyon.
"Teka, sino ka nga pala?", tanong ko sa dalagitang kausap ko.
"Ako po si Lyka. Ako po ang unang anak niyo."
"Ano bang pinagsasabi mo, iha?"
"Tanggap ko pong hindi niyo ako maalala. Nagpumilit po kasi ako noong magpasama sainyo sa bahay ng kaklase ko. Naaksidente po tayo kaya kasalanan ko naman po kasi kung bakit nawalan po kayo ng memorya. Hindi po nagtagal at naging sabik po kayong makaalala. Gustong gusto niyo na pong magkamemorya noon ngunit sabi ng doktor matatagalan pa ito bago mangyari"
"Hindi ito maaari. Hindi totoo yan!" Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng dalagitang nasa harap ko.
"Hindi po ako nagsisinungaling, ma... Hindi po nagtagal tumakas kayo sa bahay at nakilala niyo po si Tiyong Aris sa karinderya nina Mang Berto. Nakita po namin ni lola na masaya ka tuwing kasama mo siya kaya naman kahit ayaw po ni lola sa kanya ay hinayaan niya po kayong magsama. Hindi nga po kami noon nagpakilala kay Tiyong Aris dahil ayaw po ni lola. Ayaw niya pong malaman ni Tiyong Aris na mayaman tayo at may amnesia ka kasi baka pagkaperahan lang niya tayo. Kaya ganoon po ang nangyari, ikinasal kayo at nanirahan sa probinsya nila."
"Hindi pa rin ako maniniwala sa iyo. Hindi kita kilala.'
"Maniwala ka po sa akin, dahil sa katotohan po pumunta dito sa Maynila si Tiyong Aris upang kausapin ako. Nagkataon po kasi na may nakapagbigay po ng numero niyo sa telepono kaya tumawag po ako noon sainyo. Kaya lang po si Tiyong Aris po ang sumagot. Tinanong at inalam niya po kung paano ako naging anak mo. At yun po, inamin ko pong halos pareho kaming naging sitwasyon ni Angelo."
Ang ibig sabihin nagahasa na pala ako noon pa bago si Tatay Ramon. Naiiyak na naman ako. Ano bang klaseng buhay meron ako? Bakit ganito? Ano bang naging kasalan ko para maging ganito ang kapalaran ko?
"Pasensya na po, ma, kung naikwento ko pa iyon sainyo.", umiiyak na rin siya gaya ko. "Ma? Sana po kalimutan mo na po ang nakaraan. Patawarin mo na po ang sarili niyo. At isa pa po, nangungulila na rin ako sainyo. Sana po ako naman po ngayon ang initindihin at alagaan niyo. Ma, kailangan ko din po kayo lalo na po ngayon dahil tayong dalawa na lang po ang magkasama. Magpagaling na po kayo at tulungan niyo po ang sarili niyong bumangon."
Ramdam ko ang lukso ng dugo naming dalawa. Hindi ko man siya maalala ngayon pero kitang-kita naman sa kanyang kilos at salita ang sinsiredad. Nakokonsensya ako. Hindi ako naging mabuting ina sa kanya. Panahon na talaga upang magising sa katotohanan.
"Patawarin mo ako, Lyka. Pasensya na kung hindi kita naaalala. Pasensya na kung hindi kita naalagaan. Babawi ako sa iyo. Magpapagaling ako para sa iyo." At niyakap ko siyang mahigpit.
Pagkatapos noon nagsimula ulit kami ng anak ko. At laking pasalamat ko dahil bumalik na ulit ang memorya ko. Naalala ko na ang lahat mula sa simula. Naaalala ko na si mama at si Lyka. Nakakalungkot dahil wala na si mama ngunit masaya pa rin dahil nandito pa ang anak ko. Bumabawi ako sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Sinusulit namin ang bawat araw na lumilipas at ngayon masaya kaming naninirahan dito sa bahay namin sa Maynila.