Minsan kapag sobrang nasaktan tayo, nagiging bulag at bingi tayo sa katotohanan. Para sa atin, lahat ng paliwanag na inihahayag sa atin ay hindi totoo at gawa-gawa lamang. Hindi na tayo nakakapag-isip nang maayos dahil sa walang hanggang poot at galit sa puso natin. Sana kahit ganoon matuto pa rin tayong gumamit ng ating isipan, hindi laging bugso ng damdamin ang pinapairal. Sana matuto rin tayong magpatawad dahil ito ang magpapalaya sa ating lahat. At sa tulong ng pananalig at pagmamahal natin sa Maykapal ay makakamtan natin ang pinagkakaguluhang walang hanggan. Walang hanggang kaayusan, katahimikan, kasaganahan, at lalong lalo na ang walang hanggang pag-ibig.
P.S. Maraming salamat po sa pagbabasa :)
