Chap 9

1.2K 13 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas pero wala pa ring Aris ang dumating. Wala pa rin ang taong pinakamamahal ko. Ilang beses ko na ring ipinagdasal na sana bumalik siya sa piling namin. Hanggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin ang mga yakap at halik niya. Naiiyak ako kapag naaalala ko ang mga ngiti at tawa niya. Ang pangungulit at pagbibiro niya saakin. Lahat ng bagay na iyon ay hindi ko makakalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. Mabuti na lamang at nandiyan si Tatay Ramon upang tulungan akong bumangon kahit wala ang anak niya. Ayaw ko man pero siya ang laging nandiyan lalo na sa oras ng mga pangangailangan ko. Tulad na lamang noong panahong naglilihi ako. Siya ang naghahanap at naghahanda ng mga pagkaing pinaglilihian ko. Mas lalo rin siyang nagpursigi sa pagtatrabaho sa sakahan upang mas matustusan ang mga gastusin ko sa pagpapatingin sa doktor at sa mga gamot na inirereseta din sa akin. Kahit ayaw ko, ipinagpipilitan niya. Kulang pa raw kasi ang mga ginagawa niya upang kabayaran sa nagawang pang-iiwan ng anak niya sa akin. Kaya siya ang naging katuwang ko sa halip na si Aris.
At ngayon, nasa bisig ko na ang anak ko. Ang sarap sa pakiramdam. Mas lalong napaigting nito ang pagiging nanay ko. Pero parang hindi na ito bago. Kasi pakiramdam ko  naranasan ko na rin ang mga ito noon. Hindi ko alam, sumasakit na naman ang ulo ko. Baka isang panaginip lang iyon. Basta ang mahalaga nandito na ang anak ko. Isang linggo na mula noong isinilang siya. Pinangalan ko siyang Angelo, dahil siya ang anghel ng buhay ko.
"Napakaamo talaga ng mukha ng anak niyo no? Sa katunayan nga ganyan na ganyan din si Aris noon e. Kapwa nagmana sa akin."
"Po? Ano po yun, tay?"
"Ang sabi ko, kamukha niya si Aris."
"Ah , oo nga po. "
"Pwede ko bang kargahin ang apo ko?"
Ayaw ko sanang may humahawak na iba kay Angelo. Baka kasi mawala siya bigla o may kumuha sa kanya.  Natatakot akong mawala siya sa paningin ko. Ngunit, syimpre nakakahiya naman kay tatay kung hindi ko siya hahayaang kargahin ang anak ko.
"Sige---"
"Ay huwag na pala, naalala ko  may lakad pala kami ni Pareng Tonyo ngayon. Mamayang gabi ko na lang siya kakargahin. Una na ko."
Tumungo ako at saka napabuntong-hininga. Laking pasalamat ko na hindi natuloy.
Kumadrona pala ang nagpa-anak sa akin dito sa bahay. Pumutok na kasi ang palatubigan ko noon habang nagwawalis ng bakuran. Hindi ko na rin kaya sa mga oras na iyon dahil sobrang sakit na ng tiyan ko. Sa awa ng Diyos ay ligtas kaming pareho ni Angelo.
Bumukas ulit ang pinto ilang minuto pagkatapos ni  Tatay Ramon.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon