Chap 4

1.2K 10 0
                                    

Kinahapunan ay naunang umuwi si tatay at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang lasing.
"Tay, nasaan po si Aris?" Tanong ko sa kanya
"Nagluwas siya sa bayan. May bibilhin siya para sa pagpapalago ng mga tanim natin sa sakahan.", sagot niya habang pagewang-gewang siyang pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.
"Ayos lang po ba kayo, tay? Mukhang napadami po ang nainom niyong alak."
Kita kasi sa kanyang mata ang lungkot na nadarama niya. Siguro may problema sa sakahan kaya naglasing siya. Napahikbi si tatay sa mga sandaling iyon at hindi ko batid kung ano ang tunay na dahilan.
"Isay, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Matagal na akong nangungulila sa iyo. Gustong-gusto na kitang makita at mahagkan. Parang awa mo na, bumalik ka na mahal ko. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Matagal na kong nagpapakatatag pero ngayon hindi ko na talaga kaya. Isay, mahal ko, bumalik ka na." Pagsusumamo ni tatay habang nakatungo sa mesa.
Ngayon alam ko na kung bakit siya umiiyak, at iyon ay dahil sa pangungulila niya sa asawa niya. Naaawa tuloy ako sa kanya. May itinatago rin pala siyang kalungkutan.
"Isay? Mahal ko? Ikaw ba iyan? Isay! Oo, ika nga! Isay! Mahal na mahal kita. Buti at bumalik ka na!" Sabik at buhay na buhay na sambit niTatay Ramon.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon