Chap 2

1.7K 21 0
                                    

"Kaya pala hindi niyo marinig ang katok ko sa pinto at ang tawag ko sainyo, kasi naglalambingan kayo.", nakangiting bungad niTatay Ramon sa amin.
"Ay, pasensya na po kayo, tay. May pinag-uusapan lang po kami. Siya nga po pala, may kailangan po ba kayo?", tanong ni Aris sa kanyang tatay.
"Aayain ko sana kayong kumain ng meryenda sa kusina."
"Maraming salamat po, tay. Sige po, tara." Sagot ko.
Bumalot ang kahihiyan sa buong katawan ko. Dapat ako ang gumawa ng meryenda. Nakakahiya kay Tatay Ramon, siya pa talaga ang naghanda ng makakain namin.
Nakaupo silang mag-ama sa hapagkainan habang ako ay pumunta sa banyo nang magsimulang magkwento si tatay.
"Alam mo, Aris, naalala ko sarili ko sa iyo noong binata pa lamang ako at nililigawan ko ang Nanay Isay mo. Naging maayos at masaya rin ang aming relasyon namin. Sa katotohanan nga niyan ay halos magkapareho sila niJeni e. Kapwa silang mabait, maganda at maaasahan sa lahat ng bagay. Kaya lang ..."
"Kaya lang po ano? Ano pong nangyari kay Nanay Isay? Hindi po kasi yan naikwento ni Aris e." Sabat na tanong ko nang makabalik ako sa hapagkainan.
"Kaya lang namatay siya dahil sa aksidente. Nangungulila na nga ako sa kanya e. Kaya ikaw Jeni, mag-iingat ka lagi, kung gusto mo huwag ka ng magtrabaho, dito ka na lamang sa bahay at kami na ni Aris ang bahala." Litanya ni Tatay Ramon at saka sumubo ng nilagang kamote.
Tunay na mabait at maalaga si Tatay Ramon. Kung minsan nga'y siya na nagluluto ng makakain namin at nagwawalis ng bakuran. Sa tuwing malalim na ang gabi at wala pa kami ni Aris sa bahay ay hindi siya nakakatulog dahil sa kanyang pag-aalala na baka napano na kami. At ni minsan hindi ko pa siya nakikitang mainis, mayamot o magalit. Siguro kaya mahal na mahal ni Nanay Isay si Tatay Ramon ay dahil napakabuting tao nito.  Naaalala ko pa nga noong minsang may pumunta dito sa bahay upang humingi ng konting tulong pampinansyal ay agad niya itong inabutan ng pera.
"Mahal, tama si tatay. Dapat hindi ka na nagtatrabaho. Siguro ngayon na ang tamang panahon upang tuparin ko ang magandang buhay na pinangako ko sa iyo.
"Gusto ko pong makatulong, tay. At isa pa po mababagot lang po ako dito. Huwag po kayong mag-alala, nag-iingat naman po ako. At ngayon ay mas mag-iingat pa po ako."
"Huwag nang makulit, mahal."
"O sige, kung iyon ang gusto niyo." Pagsang-ayon ko na lang. "Siya nga po pala tay masarap po itong niluto niyo."
"Oo nga po, tay. Paniguradong mabubusog po kami nito." Sang-ayon sa akin ni Aris
"Sus, binobola niyo lang ako e. Siya sige, una na ko sainyo. May pupuntahan pa ko."
"Sige po, tay. Salamat po ulit. Ingat po kayo." Sabay na paalam namin ng asawa ko.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon