Dalawang linggo na buhat nang maglasing si tatay. Tama nga ako. Sobrang nangungulila siya kay Nanay Isay. Si Nanay Isay na wala ng malay. Pero bakit parang bumalik siya? Teka, bumalik nga ba talaga siya?
"Mahal, anong ginawa ni Pareng Tonyo rito? Bakit parang nagmamadali yata siya?
"Ewan ko. Baka may kailangan lang kay tatay"
"'di ba wala dito si tatay? Umalis siya."
Nagkiblit-balikat na lang ako. Ayaw ko ng magsalita pa.
"Matamlay ka ata ngayon, mahal.", untag ni Aris. "May problem ba?"
"Wala naman. May iniisip lang ako"
"Kilala kita,Jeni. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema"
"Wala nga, Aris. Wala akong problema."
Ngumiti ako ng todo-todo upang matakpan ang kalungkutan sa mga mata ko. Niyakap ko siya para mawala din ang pagkabahala ko.
"Mahal na mahal kita, Aris. Sana kahit anong mangyari lagi mo yang tatandaan."
"Ah kaya pala, gusto mo lang naman pala maglambing e. Siya nga pala naghapunan ka na ba?"
"Tapos na. Kani-kanila lang. Pasensya na ha, hindi na kita nahintay. Gutom na gutom kasi ako e"
"Ayos lang, inanyayahan naman kaming maghapunan doon sa bahay ni Pareng Kaloy. O ano, tara sa kwarto? Gawin ulit natin iyon?" Nakangising anyaya nito.