Chap 1

3.6K 34 1
                                    

"Arayyyyy!!!!", sigaw ko. "Nakakainis ka talaga, Aris. Lagi mong pinipingot ilong ko."
"Ikaw kasi, pangiti-ngiti ka pa diyan. Ano ba iniisip mo? Iniisip mo na ba kung ano ulit gagawin natin mamayang gabi?", nakangising tanong niya.
"Grabe ka talaga, Aris! Napakapilyo mo. Syimpre, hindi no." Natatawang sagot ko. "Naalala ko kasi yung mga panahong nasa Maynila pa tayo. Namimiss ko na kasi yung mga masasayang alala natin doon, lalong lalo na doon sa lugar kung saan tayo unang nagkita.
"Talaga? Iyan lang ang nasa isipan mo? Hindi ka ba talaga nagagalak para sa gagawin natin mamayang---"
"Isa, Aris!", pigil ko sa kanya.
"Ikaw naman, mahal ko. Biro lang. Ibang klase ka talaga kapag napipikon", untag niya habang kitang-kita sa mga mata niya ang saya. "Payakap nga, mahal ko", sambit niya nang makitang nakabusangot ang mukha ko.
"Ikaw, Aris ha? Kung hindi lang talaga kita asawa, makakatikim ka talaga sa akin."
"Makakatikim ng ano, mahal?" At saka nag-isip ng kapilyuhan. "Parang gusto ko yan!"
Mahilig talaga sa mga birong ganyan si Aris. Minsan nga kahit seryoso ang aming usapan naiisingit niya pa ang kapilyuhan niya. Kakaiba talaga ang napangasawa ko.
"Ay ewan ko sayo! Bahala ka diyan." Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo papuntang kusina nang higitin ulit ako ni Aris.
"Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Bati na tayo. Sige na. Oy bati na tayo? Sige na, mahal, bati na tayo?" Paglalambing niya sa akin. "Alam mo, mahal, napakaswerte ko. Isang Jeni Villaroel ang napangasawa ko. Maganda, matalino, responsable at syimpre mahal na mahal ako. Ikaw lang ang tanging babaeng tumanggap sa buong pagkatao ko. Lahat ng bagay na tungkol sa akin ay talagang minahal mo. Kaya wala na akong maihihiling pa sa Panginoon, dahil ibinigay niya na sa akin ang pinakamagandang regalo sa mundo. At ikaw iyon, Jeni."
"Hoy, Aris Guevarra, sinong nagsabing Jeni Villaroel ang pangalan nang napangasawa mo?", tanong ko.
"Ha? Tama naman 'di ba?", pagtataka niya
"Jeni Villaroel-Guevarra na po ang pangalan niya, mister".
"Pinapakilig mo ba ako, mahal?", tuksong tanong niya "Oy si mahal. Ayie, mahal. Napangiti mo tuloy ito o.", sabay turo niya sa dibdib katapat ng puso niya.
"Alam mo rin ba, Aris, na mahal na mahal na mahal ako ng Panginoon? Kasi ikaw yung lalaking ibinigay niya sa akin. Napakaswerte ko kasi inaalagaan, iniingatan, nirerespeto at minamahal mo ko ng sobra. Kahit na limang buwan pa lamang tayong magkasintahan noon bago tayo ikanasal, hindi ako nagsisisi. At higit kailanman, hindi ko pagsisisihan dahil mahal na mahal kita, Aris. Ikaw lang ang lalaking kumukumpleto at kukumpleto ng buhay ko. Ikaw lang, Aris."
"Laking pasalamat ko talaga noong unang pagkikita natin sa may karinderya nina Manong Berto. Isa yun sa mga pinakamamahal kong araw."
"Syimpre ako rin. Natatandaan ko pa nga na bagong salta ka lang noon."
"Ikaw nga parang baguhan ka roon sa lugar niyo, hindi mo kilala ang mga taong naninirahan sa paligid mo."
"Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas ng bahay noon e."
"O bakit kilala ka nila tapos ikaw hindi?"
"Aba, malay ko sa kanila" Pero oo nga no? Tama nga ang asawa ko. Kilala ako noong mga kapitbahay ko ngunit hindi ko sila kilala. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip. "Teka nga, iniiba mo ang usapan e. Ikaw nga lagi kang tumitingin sa akin noon."
"Ginayuma mo nga yata ako e"
"Hala! Grabe ka talaga sa akin, Aris." Sabat ko sa asawa ko. "Sana pala hindi kita sinagot nung nanliligaw ka pa lang no? Para hindi mo ko inaasar ng ganito."
"Grabe ka naman, Jeni. Kung hindi mo ko sinagot e di sana wala kang gwapo at matipunong asawa ngayon"
Heto na naman tayo. Nagbubuhat na naman ng bangko ang asawa ko. Napakabilib talaga sa sarili.
"At isa pa, kung wala ako dito, edi sana wala ka rin mayayakap nang mahigpit at mahahalikan. Naalala ko tuloy noong panahong sinagot mo ko. Ika-9 ng Enero taong dalawampu't libo sa Manila Agusan, natanggap ko ang pinakahihintay kong "oo" mula sayo. Niyakap mo ko noon nang sobrang higpit at hinalikan naman kita sa noo. Ang sarap sa pakiramdam dahil yung taong mahal mo ay nasa mga bisig ko at kumportableng nakayakap sa akin."
Talagang masarap balik-balikan ang mga masasayang alaala namin ni Aris. Labis akong napapangiti sa tuwing nasasagi ang mga ito sa isipan ko.  Ilan kasi sa mga nais naming gawin noon ay ang panonood ng sine, pamamasyal, at pagbibigay ng tulong sa mga batang nasa kalsada. Kaya hindi nagtagal mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya. Napakabuting tao niya.
Mag-iisang taon na buhat noong sumama ako sa kanya dito sa probinsya nila sa Catanduanes. Dito rin namin idinaos ang aming kasal at kinalaunan ay naninirahan kami kasama ang tatay niya na si Tatay Ramon. Nag-iisang anak ang asawa ko kaya ninais ng tatay niya na dito na kami manirahan.
"Pasensya ka na, mahal, kung wala tayong sariling bahay, kung hanggang ngayon umaasa pa rin tayo kay tatay."
"Ano ka ba, Aris. Ayos lang naman,'di ba ang sabi ni Tatay Ramon maganda at malaki naman ang bahay na ito para sa atin? Kaya huwag kang mag-alala. At isa pa, hindi naman tayo sa kanya umaasa kasi nagtatrabaho ka sa sakahan natin at tumutulong naman ako sainyo kung hindi ako nagtitinda sa palengke."
"Nahihiya ako sa iyo kasi hindi ko natupad ang pangako kong hindi kita pagtatrabuhin."
"Aris, mag-asawa tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo lalo na kapag nagkaanak na tayo."
Kitang-kita sa mata niya ang pagkadismaya kaya niyakap ko na lamang siya upang ipadama na magiging maayos ang lahat.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon