"My best friend is my customer."
Best friend ko si Arix.
Pero hindi lang iyon, customer ko din siya sa kama.
I sold my soul, he bought it from me. What hurting me the most?
Mahal ko si Arix.
Pagmamahal na matagal ko nang nararamdaman sa kanya. Dahil bukod kay mama mula ng bata pa lang ako ay siya lang ang meron ako. Kaya imposibleng hindi ko siya matutunang mahalin.
Mula sa pagiging simpleng kalaro ko kay Arix ay naging bestfriend ko siya. Para na kaming magkapatid, hanggang sa ang hindi ko mapigilang paghanga dahil sa kabutihan niya sa amin ni mama ay umusbong sa kakaibang paraan.
Pagtingin at pagtangi ko sa kanya na inalagaan ko sa aking puso.
Hanggang sa maintindihan ko ngayon na mahal ko na nga siya. Hindi bilang kaibigan, o bestfriend. Hindi rin bilang kapatid kundi sa paraang espesyal na karaniwang nararamdaman ng lalaki sa babae o babae sa lalaki.
Pero si Arix. Hindi ko pwedeng hingin sa kanya na mahalin niya ako.
Hihingi pa ba ako ng subra sa ibinibigay niya sa akin bilang kaibigan niya? Sabi ko nga napakaswerte ko na itinuring niya akong best friend niya. Dahil kung tutuusin maraming pwedeng kumuha ng pwesto ko sa buhay niya.
Pagkatapos na may mangyari sa amin ni Arix, hindi ko alam kung karapat-dapat pa niya akong tawaging bestfriend?
Baka nga hindi na?
Para akong laruan na binili ni Arix. Wala akong dapat ikagalit sa kanya. Kundi dapat sa sarili ko.
Ako ang may choice na ibenta ang sarili ko. Desisyon ko iyon dahil kailangan ko. I have no choice.
Siguro nasasaktan lang ako kasi nga mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil alam ko ang dahilan niya kung bakit mas piniling niyang bilhin ako. Dahil ayaw niyang magpapalamang sa mortal niyang kaaway, si Ford.
Si Ford ang dapat ay bibili sa akin.
Siguro ini-isip ni Arix dahil sa dami ng tulong na naibigay niya sa akin, hiningi ko man iyon sa kanya o kusa niyang ibinigay ay pag-aari na niya ako at hindi pwedeng makuha ng iba lalo na kung sa mortal niyang kaaway?
Na kapag nakuha ako ni Ford ay malaking insulto na naman ito sa kanya, hindi sa unang pagkakataon kundi sa pangalawang pagkakataon dahil kay Sheena. Si Sheena ang alam kong nag-iisang babaeng niligawan ni Arix ng seryoso. Si Ford ang mahigpit niyang karibal dito. Sa huli si Ford ang pinili ni Sheena.
Naging talunan si Arix.
Hanggang ngayon siguro ay mahal pa niya si Sheena? Baka nga umaasa pa rin si Arix na makukuha niya si Sheena mula kay Ford.
At ako...ano ang dapat kong asahan mula sa kanya? Ayaw ko nang sagutin ang sarili ko dahil masasaktan lang ako.
Song: "You Needed Me"
Written by: mikzylove
BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)
Romance(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...