"Best friend is better than friend."

8K 319 8
                                    

"Best friend is better than friend."

Tahimik lang kami ni Renz habang pauwi. Nagpumilit siyang magsabay kaming umuwi dahil sa sitwasyon ko. Nagtaxi kami dahil ayaw nitong pumayag na makipagsiksikan kami sa jeep, rush hour na daw kasi.

Dinala ako ni Renz sa clinic kanina. Nilinis ng nurse ang mga sugat ko, nilapatan ng antiseptic at binalot ng sterile gauze. Namamaga na ito ng subra ngayon. Uminom na ako ng pain killer pero masakit pa rin.

I closed my eyes though it does not help me in any ways. I can feel the severe pain in my whole body. Napatiimbagang ako, naisip ko si Arix. Asan kaya ang gagong iyon? Maghapon siyang nawala, at hindi siya nagtake ng kahit anong exams namin. Lalong lumala ang sitwasyon namin. I never thought that things will turn out this way. I really don't know if we can still be okay after all these dramas? I hope so.

Dahil sa simpleng bagay na nasabi ko ay nangyari ang mga hindi dapat mangayari. I hate myself. Sana di ko na lang ginawa iyon. If only I could turn back time. "Ahhh...Arix...ayaw ko na ganito tayo. I hate this." Napalunok ako ng sunod-sunod. Isinandal ko sa upuan ang ulo ko para hindi pumatak ang aking mga luha. Too late, I cried. Pasimple kong pinahid ang mga iyon. I don't want Renz to see me crying.

"Tol...wag mong kalimutan ang instructions ng nurse. Two times a day ang application ng antibacterial ointment, morning and before bedtime. Kapag subrang masakit you can take pain killer every 6 hours in full stomach." Paalala ni Renz sa akin bago ako bumaba ng taxi. Tinapik ko lang siya bilang sagot ko na naiintindihan ko siya.

Mabigat ang mga paa ko habang naglalakad. Paano ko ipapaliwanag kay mama ang nangyari sa mga kamao kapag nagtanong siya? Kinabahan ako nang makita ko ang mamahaling sasakyan ni Arix na naka-park sa harap ng gate namin.

I almost forget that my hands are in pain. Naikuyom ko ang mga iyon pero di ko kinaya ang sakit. Takte...nandito ba siya ngayon sa bahay? I hold my breath bago ako pumasok ng bahay. Napasukan ko si Mama na palabas mula sa kuwarto ko. May dala siyang plangganita at face towel.

Masama ang kutob ko.

"Ma?"

"O andyan ka na pala?" Nagkiss ako kay mama.

"Anong nangyari ma, ano yang dala mo?" Tanong ko kay Mama kahit may kutob na ako.

"Si Arix, dumating dito lasing na lasing. Umiiyak, panay ang sorry sa akin. May alam ka ba kung ano ang pinagkakaganyan ng kaibigan mo? " Nasamid ako sa sinabi ni Mama. Gagong Arix na to, ano bang ginagawa niya?

"Wala akong alam ma..." Umiwas agad ako nang tingin kay Mama.

"Mukhang malaki ang problema ng bestfriend mo. Magmeryenda ka muna tapos puntahan mo siya sa kuwarto mo. Asikasuhin mo siya ha. Ako'y pupunta muna kina Mrs. Crusero."

Di ko inaasahan ang susunod na gagawin ni Mama. Kinuha niya ang isa kong kamay para ibigay sa akin ang bayad daw niya sa pinabili niyang gamot sa akin nung isang araw. Napaatras ako sa subrang sakit, Nagulat si Mama sa kanyang nakita sa mga kamao ko.

"Diosmiyo anak! Anong nangyari sa mga kamay mo?"

"Wala ho ito Ma...," pag-iwas ko.

"Anak nag-away ba kayo ni Arix?" Kita ko ang matinding pagkabahala sa mukha ni Mama.

"Hindi ho Ma, wala ho 'to, hindi naman po 'to malala." Mahinahon kong sabi kay Mama.

"O siya ako'y aalis muna. Alagaan mo si Arix, anak ha." Bilin ni Mama sa akin.

I thanked God immediately. Iyan ang gusto ko kay Mama, hindi siya mausisa.

Kaya lamang.

"Anak, okay lang na hindi ka magsabi sa akin ng totoo. Kaya lamang anak, mainam ang may kaibigan pero mas higit na mabuti ang may bestfriend ka. Asikasuhin mo si Arix ha, nakakahiya kay Ma'am Cassandra kung malalaman niyang nag-aaway kayo." Malungkot ang boses ni Mama.

"Opo, Ma..." Tipid kong sagot.

Umalis si Mama.

The whole event turned out more difficult to handle than I thought. Naglasing siya pagkatapos ay pupunta siya dito para lang mag-alala si Mama? Tssk. I can't blame him for that, though. Nasagad ko siguro ang pasensya niya. I should have known Arix better for ten years of our friendships.

Bihirang bihira ang itinuturing ni Arix na kaibigan. At sa lahat ng kaibigan niya ako lang ang tinawag niyang bestfriend. I should consider myself lucky for that. Arix isn't a bad guy after all. In fact napakaespesyal nang pagtrato niya sa akin. To the point na minsan naiisip kong hindi ko man sinasadya ay naabuso ko na ang kabaitan niya. Lahat ng klaseng tulong siguro ay naibigay na ni Arix sa akin. Lalo na sa financial.

Si Mam Cassandra, ang mommy ni Arix ay laging ikinukwento sa akin ni Mama. Napakabait daw nito at hindi matapobre. Hangang-hanga si Mama kay Mam Cassandra. And she extends her affection to Arix. Itinuring ni Mama si Arix na isa pa niyang anak.

Kaya kita ko sa mukha ni Mama kanina ang subrang pag-aalala niya. Tama siya, nakakahiya kay Mam Cassandra kung malalaman niyang nag-aaway kami ni Arix, tapos ako pa ang dahilan. I started it all. Pumasok ako sa kwarto ko. I saw Arix lifelessly lying in my bed in deep sleep. Subrang lango nga siya sa alcohol. I saw his body full of sweats, wala kasing airconditioner sa kwarto ko. Electricfan lang ang meron kami ni Mama.

Sanay si Arix sa malamig. Pinalakasan ko ang electricfan. Itinutok ko iyon kay Arix. Kumuha ako ng bimpo sa damitan ko. Kahit masakit ang mga kamay ko ay pinilit kong punasan ang pawis ni Arix.

First time kong gagawin ang ganitong bagay kay Arix. Sa pagkakatanda ko si Arix ang mas malambing sa aming dalawa. Mas maasikaso siya sa akin. Kaya naman madalas siya ang nagiging sandalan ko.

Pinunasan ko ang kanyang mukha. I missed him so much. I don't want to lose Arix. Hindi ko sasayangin ang sampung taon ng friendship namin. That was my promise the very same day Arix called me bestfriend. I'm so sorry Arix. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Arix. I can feel his body heat. It touches my heart. It takes away all my pains. It pushes me to hate myself even more. Kung mawawala si Arix sa akin, habang buhay kong ibi-blame ang sarili ko. Hindi ko ito mapatawad kahit kailan.

There's no doubt. Kahit hindi niya ako mahalin in return...Mahal ko si Arix.

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon