"You Are My Everything."
"Sige na, lapitan mo na siya."
Bulong ko sa aking isip. Kanina ko pa tinitingnan si Arix, wala siyang kamalay malay na gising na ako at pinagmamasdan ko siya. Masyado siyang busy sa kanyang ginagawa. Nagluluto siya at parang alam ko na kung ano ang niluluto niya? Sa amoy pa lang nito ay nagugutom na ako lalo.
Maagang gumising si Arix para lang magluto? Hindi ako makapaniwalang nandito pa nga siya at hindi niya ako iniwan?
Dahan dahan akong lumapit, nakatalikod siya sa akin at busy pa rin siya sa kanyang ginagawa.
"Cejsss...mahal na mahal kita. Kailangang kailangan kita, huwag mo akong iiwan please. Hinding hindi na kita iiwan."
"Be mine again." Naalala ko ang mga sinabi niya kagabi.
"Sige na, kaya mo yan Cj. Push!" Sabi ko pa rin sa utak ko. I took a deep breath. Ilang hakbang pa. Pagkatapos mabilis ko siyang niyakap mula sa likod niya. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Nabigla si Arix, kaagad niyang ibinababa ang spatulang hawak niya at humarap sa akin. Inakap din niya ako, mas mahigpit.
"Good morning love, " bulong niya sa akin. "I miss you so much." Hindi niya ako binibitiwan. Magkaakap pa rin kami habang hinahaplos niya ang likod ko.
"Hindi ka ba hahanapin ni Sheena?" I asked him. I close my eyes tightly. I'm so nervous that I almost stop breathing. Parang nabikig ang lalamunan ko, muntik na akong marattle. What if sabihin niyang hinintay lang niya akong magising para makapagpaalam siya bago umalis?
Inangat ni Arix ang mukha ko. Napilitan akong magmulat ng mata at tingnan siya. Nakatitig siya sa akin, "Hindi niya ako kailangang hanapin dahil alam niyang nasa sayo ako. At habang buhay nang lage ako sayo. Cejss...let's start again. Hindi na kita sasaktan pa. Gusto ko magkasama na lang tayo palagi." I can feel the sincerity in his voice.
Maniniwala ba ako sayo, Arix? Nangako ka na sa akin diba pero ano ang nangyari?
"Mahal talaga kita dahil ang gusto lang din ng puso at isip ko'y nasa tabi mo ako palagi." Pinigilan kong umiyak. "Nasaktan ako ng subra Arix pero bakit ganun ikaw pa rin ang nasa sa puso ko? Please kung iiwan mo ulit ako sana sabihan mo ako, para hindi na ako maghanap pa. Para hindi na ako aasang babalik ka pa." Sabi ko.
Hinalikan ako ni Arix.
"Hindi na tayo maghihiwalay pa. Hinding hindi na kita sasaktan. Trust me Cejs...Heaven knows you are my everything."
Hinawakan ko ang mukha ni Arix. Kahit medyo basa na ang mata ko ng luha ay pinilit kong tingnan ang mga mata niya. "Ang gusto ko lang maging masaya kasama ka." Ako naman ang humalik sa kanya. Naging mapusok ang mga kilos namin, kung hindi lang sa nangangamoy nasusunog na pancake ang buong unit ay baka kung ano ang ginawa namin kahit hindi pa kami nag-aalmusal.
Mabilis na inalis ni Arix sa lutuan ang sunog na pancake at itinapon iyon sa trash can. Magkatulong kaming naghanda ng almusal.
Kaya lang pagkatapos naming mag almusal wala din kaming alam na gagawin dahil maaga pa nga. Binuhat ako ni Arix pabalik sa kama.
"Namiss kita ng subra, Cejss." Panay panay ang halik ni Arix sa akin. Kahit ang leeg ko'y pinanggigilan niya. Alam kong gusto niyang magpaliwanag sa akin ng tungkol sa mga nangyari pero desidido na akong ayaw ko nang marinig ko pa ang mga iyon.
Ang gusto ko lang ay magsimula kami muli.
"Let's forget the past. Huwag na nating pag-usap pa iyon," sabi ko. " Basta huwag ka na lang sanang basta na lamang mawawala. Pwede ka namang magpaalam sa akin, papayag naman ako."
BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)
Romance(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...