"How can you hurt me this way?"
"Take a deep breath CJ, bakit ka ba kinakabahan? Magbestfriends kayo ni Arix. Talk to him and say sorry, that's it. Easy." Kung kelan malapit na ako sa classroom namin saka naman ako nawalan ng lakas ng loob na pumasok.
Sa library na lang kaya ako ulit pumunta? Pero may exam kami ngayon. Tssk...muntanga lang CJ? I took a deep sigh. Tapos deretso pasok sa classroom namin. Wala pa si Arix? Magkatabi kami ni Arix ng upuan, at bakante pa ang upuan niya. Never humiwalay sa akin si Arix at walang magawa ang teacher namin dito.
"Good at least mairerelax ko muna ang sarili ko bago siya dumating." Kumbinse ko sa sarili ko.
"Morning CJ" Si Renz, saglit lang siyang tumingin sa akin at bumalik kaagad sa pagbabasa ng kanyang notebook. Nagrereview ito.
"Morning too, Renz." Sagot ko.
"Hi CJ, heard the buzz?" si Myla. Hindi kami close and I'm not interested sa sasabihin niya kaya di ko siya dapat pansinin.
"Did you know that Arix and Rita are now together? Talk of the town nga sila now eh. Super crush ka ni Rita di ba, what happened?" Bulong nito na may kasamang pang-aasar sa akin.
"Shut up! Ask her not me!" Asik ko kay Myla. For all I care? Nakakainit lang ng ulo. Padabog kong ibinagsak ang aking bag sa upuan ko.
Anong gustong palabasin ni Arix? Alam niyang gusto ko si Rita. Humahanap lamang ako ng tamang timing at liligawan ko ito. Two days ago nalaman kong crush ako ni Rita dahil din sa kadaldalan nitong si Myla. Para hindi isipin ni Rita na nagtitake advantage ako sa nalaman ko ay hindi ko muna siya niligawan. Magpapalipas muna sana ako ng ilang araw. Pero ngayon sila na pala ni Arix?
Naglahong parang bula ang plano kong pakikipag-ayos dapat kay Arix. Magkasama siguro sina Rita at Arix kaya wala pa siya ngayon? "Tsssk, magsama sila, pagbuhulin ko pa silang dalawa." Inis kong sabi sa sarili ko.
Ang bigat ng dibdib ko, pupunta na lang muna ako ng comfort room.
"Hi CJ" Si Rita ang tumawag sa akin. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Katabi niya si Arix! Never pa siyang umupo sa ibang upuan maliban sa upuan niya na nasa tabi ko.
Nagpalipat na ba siya ng upuan habang absent ako? Ayaw na niya siguro akong katabi? Sino na kaya ngayon ang katabi ko?
Nagbabara ang lalamunan ko, parang ang hirap huminga. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa. Hindi ko sila gustong kausapin, lalabas na sana ako pero, "Mr. CJ Angeles...delivery for you." Sabi ng isang estyudante na di ko kilala. Kita ko kung ano ang dala nito. Starbucks coffee na may kasamang sandwich. Ano na naman 'to? Galing na naman kay Arix? Kagaguhan na naman niya! Wala akong planong tanggapin ito.
"From Mr. Ford Sebastian, enjoy your breakfast Mr. Angeles. Goodluck daw sa exams mo sabi ni boss Ford." Inilapag ng estyudante sa upuan ko ang dala nitong pagkain. Umugong ang bulongan sa buong classroom. Taena! Anong trip ni Ford? Hindi naman kami close. Paano si Arix, nandyan lang siya sa likuran ko kasama si Rita? Magagalit na naman ba siya? Si Ford ang dahilan ng away namin ni Arix.
Baka wala na siyang pakialam sa akin? Paano kung dedma na lang siya? Ahhh...taena, ayaw ko nang ganito. Hindi ko dapat naiisip ito. Mabuti nga kung hindi na lang siya makikialam sa akin. Kung anong trip nilang dalawa ni Ford ay sasakyan ko na lang.
"Please tell Ford, thank you very much." Sinabayan ko iyon ng matamis kong ngiti, pocha anong ginagawa ko? Umugong ang mas malakas na bulongan.
Biglang may kumalabog nang malakas sa bandang likuran ko. Napa...oooh at ohmygosh ang mga kaklase ko. Kahit hindi ko tingnan, alam kong kalabog iyon ng natumbang silya. At sigurado akong si Arix ay may gawa niyon.
BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)
Romantizm(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...