Nandito kami ngayon sa kwarto namin ni Maru. Sinundo kami ni Ken sa condo ni Kit at iniuwi sa bahay.
Nalaman namin na ang Kit na manliligaw ni Yumi ay ang kapatid ni Miyata na si Ketsuya. Kapatid niya ito sa ama. Ang ina nitong mangkukulam ang nagkulong sa ina ni Miyata sa salamin.
Napakagulo pala ng love story ng magulang ni bayaw kaya naman pala hindi nakakapagtaka na mukha siyang ipinaglihi sa sama ng loob.
"At ngayon hindi na ang puting mahika lamang ang magiging pakay nila.."makahulugang wika ni Miyata na nakuha ang atensyon naming lahat.
"Ano ang ibig mong sabihin Miyata?"tanong ni Yumi.
"Maging ikaw ay magiging pakay na din nila.."patungkol niya kay Yumi. Dahil ba gusto ni Kit si Yumi?
"Anong ibig mong sabihin ha Miyata?"ulit ko lang sa tanong ni Yumi.
"Linawin mo nga ang sinasabi mo."Maru.
Seryoso lang naman na nakamasid si Ken,Shin at Shugen.
Nakakagulat ang sinabi ni Miyata. Sa lahat ng sinabi niya ay iyon lamang ang tumatak sa isip ko,isip namin..
"..ikaw Yumi ang nagtataglay ng kapangyarihan ng salamin.."
Hindi ba at isa iyon sa tatlong kailangan upang mapakawalan ang ina ni Miyata sa salamin?
At si Yumi iyon??
"Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero ikaw Yumi ang nagtataglay ng kapangyarihan ng salamin..nagawa mong maibalik kay Kimiko ang kapangyarihang pinakawalan niya at iyon ay magagawa lamang ng nilalang na nagmamanipula sa salamin.."mahabang paliwanag ni Miyata.
What's goin' on in here?
Lahat kami ay gulat na gulat na nakatuon ang atensyon kay Yumi na nagyuko ng ulo.
"May inililihim ka ba sa akin Yumi? Maaari mo bang ipaliwanag sa amin ang lahat?"Miyata.
"Hindi ko din alam Miyata. Natatandaan mo ba iyong sinabi ko sa iyong babae na nagpakita sa akin noong ikulong ako ni Tata sa salamin?"
The f*ck?! Si Yumi ikinulong na din ng mangkukulam na iyon sa salamin!
"Ano ang kinalaman niya sa bagay na ito?"
"Ilang gabi na din akong nananaginip at may nadidinig na boses hindi ko lamang sinasabi sa iyo..at..noong nanganganib ako sa kamay ni Kit ay nagpakita sa akin ang babaeng walang mukha.."
Teka parang pamilyar iyong eksenang iyon ah? Napanuod ko na ba iyon sa tv?
"At ano ang nangyari?"inip na tanong ni Miyata.
"Nagkaroon ng pigura ang kanyang mukha at nakita kong..ako ay siya..alam kong hindi kapanipaniwala pero ako ay siya. Nung oras na nasa panganib ka ay hindi ko na alam ang nangyari..ang alam ko lang ay tila sumanib siya sa katawan ko at ang sabi niya ay isa siyang bahagi ng pagkatao ko.."mababakas din ang kalituhan kay Yumi.
Realization hit me.
Ang nangyayari kay Yumi ay nangyayari din kay Maru.
Pero bakit?
Tumingin ng makahulugan sa akin si Maru. Alam ko ang iniisip niya. Tumango ako.
"Hindi lang sa iyo nangyayari iyan Miyumi.."
"Tama si Maru.."
"May mga bagay pa nga pala kayong dapat ipaliwanag."wika ni Miyata.
"Oo nga..paano mong nagawang tumagos sa dingding?"nagtatakang tanong sa akin ni Shin.
BINABASA MO ANG
Muryou:Toru Suname[COMPLETE]
AdventureGirls here,girls there,girls were everywhere..why not?he had the looks..handsome,cool,white hair hottie with greyish eyes.. His life were perfect until he discover some fucking weird trick in him..