Chapter 8-Can't fight the urge of kissing you..

383 15 0
                                    

Pauwi na kami ni Miyata. Kasama ko siya na nagtrabaho sa isang resto. Pumasok ako ng part time job sa isang kilalang sweet delicacies na resto. Gusto ko kasing bumili talaga ng motor. Inalok ko si Miyata na sumama magtrabaho sa akin doon at dahil kailangan niya din ng pera dito sa aming mundo ay pumayag siya,si Yumi pa nga ang ayaw pumayag bka daw kasi madaming babae ang manlandi kay Miyata. Mga babae talaga. Gusto din daw kasi ni Miyata na mamuhay ng normal dito. Iniiwasan niya din gamitin ang kapangyarihan niya. Ang pagiging invisible ay medyo natututunan ko ng gamitin pero hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit nangyayari iyon sa akin.

Kanina ko pang pinagtatawanan si Miyata simula noong lumabas kami sa resto panay naman siyang nakasimangot. Paano ba naman kasi ay natipuhan siya noong kambal na anak noong may-ari na pinagkaitan ng kagandahan na noong nagsabog yata ng ganda ang diyos ay tulog. Diring-diri nga siya sa dalawa,kahit ako man. Biniro ko nga na baka bading kahit alam ko na hindi pikon na pikon naman ang loko. Binabantayan ko nga at baka magamitan ng kapangyarihan ang kambal dahil panay ang dikit sa kanya.

Pagdating ng bahay ay inabutan pa namin si Yumi na nakatulog sa sopa. Dumiretso na agad ako sa kwarto namin ni Maru. Dito muna ako dahil apat lang naman ang kwarto sa bahay. Wala namang problema tig-isa naman kami ng kama. Hindi na ako kumain dahil kumain na ako sa resto.

Ipinikit ko ang mata ko nang madinig ko ang pamilyar na boses.

'Hoy..'

"O bakit?"kausap ko sa kanya ng hindi iminumulat ang mata ko.

'Gusto ko lang magpaalam sa iyo.."

"What? Ni hindi nga kita nakikita magpapaalam ka? Naka-drugs ka ba?"

He is funny. Buti na lang at wala si Maru dito sa kwarto. Hindi pa siya umuuwi.

'Imulat mo ang mata mo para makita mo ako..'

Kahit na alam kong kalokohan ang sinasabi niya ay pinagbigyan ko na. Ibinukas ko ang mata ko.

"F*CK! WHO ARE YOU?!"

Napabalikwas ako ng bangon at napaurong sa head board ng kama ko.

Isang itim na anino kasi ang nakita ko sa may paanan ng kama.

"W-ALA KANG MUKHA?! ISA KA BANG ENGKANTO?!"

Hindi ko man gusto pero hindi ko naiwasan na kabahan.

"Hahaha! Kung ganoon mukha ka palang engkanto?"

Tawanan ba lang ako!

"Tangna sa gwapo kong ito!"

"Oo na,oo na,payag na ako..kung gwapo ka gwapo din ako.."

"Bakit ba pinipilit mo na ako ikaw??"

"Dahil iyon ang totoo..ipapakita ko na sa iyo ang totoo kong anyo.."

Pinagmasdan ko lang ang itim na nilalang sa harapan ko. Unti-unti siyang nabalot ng munting liwanag. Nagsimulang magkaroon ng kasuotan ang kanyang pang-ibabang katawan hanggang sa itaas.

Teka parang katulad ng damit ko ngayon ah?

Noong ibaling ko sa mukha niya ang paningin ko ay nanlaki ang mata ko.

Nagkaroon na siya ng mukha! At walang iba iyon kundi mukha ko!

"WHAT THE HELL?!"

Ngumisi ang kaharap ko. That familiar grin is mine walang duda iyon.

"Nice to see you myself.."

"Paanong nangyari~~?

"Ikaw ay ako Toru..isa akong bahagi ng pagkatao mo na ngayon lang lumabas.."

Muryou:Toru Suname[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon