Chapter 14-When he finally said I love you..

388 15 1
                                    

Kinakabahan ako habang wala pang malay si Tala. We rush her in a nearby hospital. I am really worried about her.

Paano na lang kapag nagising siya?

Sinamaan ko ng tingin si Hiro.

"Kasalanan mo lahat ito!"

"Ako lang ba ha Toru? May kasalanan ka din kung nakakalimutan mo. Nag-aalala din ako kay Tala kaya wag kang umasta na ikaw lang ang apektado sa pagkawala niya ng malay."

"Tama na pwede ba? Nakakairita kayong dalawa."sita ni Maru sa amin.

Oo,nandito si Maru. Inabutan niya kami ni Hiro na dinaluhan si Tala. Kasama niya pa iyong girlfriend niya. Isinakay ni Maru si Tala sa kotse niya at isinugod sa ospital. Sumakay na din si Hiro sa sasakyan ni Maru habang ako ay nag-convoy na lang sa kanila dala ang bago kong motor.

"I saw you both."

Seryosong sabi ni Maru.

"A-no bang ibig mong sabihin Maru?"

Nakuha niya ang atensyon namin ni Hiro. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip ni Hiro.

"Tumagos sa iyo ang espada nitong si Hiro."

Huminga ako ng malalim. Nakita niya wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano at paano nangyari sa akin lahat ng nangyayaring ito Maru at iyon ang totoo."

Bumaling naman ng tingin si Maru kay Hiro.

"Ikaw?"Maru said.

"Ako? Hindi ba at alam mo na ang tungkol sa akin?"Hiro grin. I want to punch that grin!

Anong alam ni Maru? Naguguluhan ako.

"Tss,ipaliwanag mo sa kanya ang presensya mo."alam kong ako ang tinutukoy ni Maru.

May ngising hinarap ako ni Hiro.

"Ako si Hiro,isa akong samurai mula sa mundo ng apat na mandirigma. Aksidenteng napapunta ako dito sa mundo ng mga mortal at nakatuklas ng lagusan. Nagustuhan ko ang pananatili dito. Hanggang sa makita ko si Tala..I was mesmerized by her enchanted beauty and from that day on she make me stay.."

Sa mundo nina Miyata siya nanggaling kung ganoon..

"Gusto mo bang dagdagan ko iyang pasa mo sa mukha ha? Isasaksak ko lang dyan sa utak mo na hindi mapapa-sa iyo si Tala!"i hissed at him.

"Hindi kita uurungan."

"Wag mo nga akong ngisihan Maru,nakakainit na nga ng ulo ang ulol na ito!"i hissed.

"Hmm..T-oru.."

Natigilan ako nang madinig ko na naaalimpungatan si Tala. Lumapit din si Hiro sa hinihigaan niya.

"Nandito lang ako Tala.."hindi naman siya tuluyang nagising.

Nasapo ko ang noo ko.

"Nakita niya kami..paano kapag nagising na siya.."nag-aalala kong sabi. Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko sa frustration.

Maru sigh.

"Ako na ang bahala sa kanya."

"What? I mean how?"

"Just watch and learn little brother."Maru grin.

"I'm not little anymore,i am handsome and hot!"

Lumapit si Maru kay Tala. Hinawakan niya ito sa noo na ikinasalubong ng kilay ko.

"Maru! F uck! Don't touch her! Gusto mo ba din na sapakin kita!"

"Tss,manahimik ka nga! Nagco-concentrate ako!"

Muryou:Toru Suname[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon