Chapter 23-An obstacle to face..

270 9 0
                                    

Lilibutin naming muli ang mga bayan ng Emperyo ng Libre na napinsala. Kasama ko si Miyata.

"Magpapaalam lang ako kay Yumi na aalis na tayo.."

Nagtaka naman ako.

"Teka,hindi ba natin siya kasama?"

"Pagod siya."

Wala naman kaming nakalaban noong nagdaang araw pagkatapos namin makalaban ang mandirigma ng Jumon ah kaya paano siya napagod?

Nagpaalam na nga si Miyata kay Yumi. Panay ang bulungan nila kaya nangunot ang noo ko. Ang creepy nila tingnan.

Naiirita naman na nagyuko ako ng ulo sa suot ko. Ang init at ang bigat! Pinagsuot kasi ako ni Miyata ng baluti,tss.

Umalis na kami sa palasyo kasama ang grupo namin. Ginawa lamang namin ang ginawa namin sa mga bayan na napinsala noong mga nakaraang araw. Pagkatapos ng lahat ay bumalik din kami sa palasyo. Si Miyata ay humiwalay kaagad sa akin at pinuntahan si lil cess. Ako naman ay nagpahinga na sa silid ko.

Kinaumagahan nakasalubong ko si Mito sa may pasilyo. Inaya niya ako mangabayo at dahil gusto ko din ay sumama na ako. Para din malibang ako at hindi laging naaalala si Tala.

Madadaanan namin ang kwarto ni Yumi. Nangunot ang noo ko noong lumabas si Miyata doon.

"Sa silid ka ba ni Yumi natulog ha Miyata?"masama ang tingin na ibinigay ko sa kanya.

Oo hindi ako conservative tulad ni Maru pero hindi naman umabot sa point na may mangyayari na sa kanila ang pagiging liberated ko..syempre bunso namin si Yumi.

"Wala doon si Yumi,nakita nyo ba siya?"

Kung ganoon hindi naman pala dito natulog si Miyata marahil ay pinuntahan niya lang si lil cess kaya iglap ay nawala ang pagka-HB ko.

"Hindi."sagot ko.

"Alam ko na ang mga diskarte na iyan.."sabat naman ni Mito na nakangisi.

"Anong diskarte?"tanong ko.

"Tss."sinamaan ng tingin ni Miyata si Mito.

"Wala."nagpipigil ng tawa na sabi ni Mito.

Gustong kong mapailing sa kanila. Ang weird nilang dalawa. Pagkaano ay nagpaalam na si Mito kay Miyata na pupunta na kami sa kulungan ng mga kabayo.

"Tayo muna sa silid ni Yona.."

"Anong gagawin natin doon?"

"May hihiramin lang tayo.."

Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lang kay Mito. Nakasalubong pa nga namin ang kakambal ni Liu na si Yuri. Ang ganda sana noong si Yuri kaya lang ay parehas nakakatakot ang aura ng magkambal. Ang astig lang kasi lumaki siya sa poder ng mga tagapaslang. Siya iyong may kakayahan na malaman ang nakaraan kaya nalaman namin na si lola pala ang nagnakaw ng puting mahika.

Nasa labas na kami ng silid ni Yona nang makadinig kami ng kalabugan at tila nagbabagsakan na mga gamit. Nagkatinginan kami ni Mito na parehas nakakunot ang noo.

"Yona?! Ayos ka lang ba?! Anong nangyayari dyan sa loob?!"sunod-sunod na kinatok ni Mito ang pintuan ni Yona. Pinihit pa nga niya ang seradura kaya lang ay naka-lock.

Hindi kaya napasok kami ng kalaban? Pati tuloy ako ay nag-alala. Si Yumi baka wala siyang kasama ay mapahamak pa siya?!

Nang bumukas ang pintuan ng silid ni Yona. Iniluwa noon si Liu na nakahubad ang pang-itaas na bahagi ng kimono. Nang silipin namin si Yona ay nakaupo ito sa ibabaw ng kama at balot na balot ng kumot hanggang leeg. Alanganin siyang ngumiti sa amin habang namumula ang mukha. Alam na..

Muryou:Toru Suname[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon