Chapter 16-Revealed Power

364 12 2
                                    

Katulad ng nasa isip ko na baka may matuklasan pa kami sa mga darating pang araw at ngayon nga ay may dagdag na problema kaming kinakaharap.

Nandito daw ang mga mangkukulam ang mahigpit na kalaban ng mga salamangkero. Nalaman kong apat na emperyo pala ang mayroon sa mundo nina Miyata at ang mga iyon ay pinaninirahan ng mga mangkukulam,samurai,ninja at salamangkero.

Nakakita si Yumi ng mangkukulam sa Sonobella na sa pagkakaalala ko ay Nobu ang pangalang sinabi niya. Hinala namin ay ang puting mahika din ang pakay ng mga mangkukulam. Hindi magiging madali ang lahat.

Punong-puno na ang utak ko tapos ay ang iingay pa ng mga ulol na mandirigma ng Libre!

Tapos na ang klase namin. Nagyaya sina Shin na kumain sa resto na pinagtatrabahuhan namin ni Miyata. Syempre kasama kami dahil may duty pa kaming dalawa,dalawang oras lang naman. Ang sikip lang dito sa kotse ni Maru hindi kami magkasya. Panay ang reklamo ng tatlo.

Tss! Wala kasi iyong motor ko nasa automotive shop pinapaayos ko para mas astig at maporma.

Dumating na si girlfriend at sina Karin at Uni. Lalo na kaming nagkasya,kay Uni pa lang tatlong seats na ang occupied..-__-

Sa inis noong si Ken ay lumabas na ito sa kotse,sumunod naman si Shin at Shugen.

"Itong mga chicks na lang ang pasakayin nyo dyan kami na ang bahala sa sarili namin.."

"Gago ka Shin! Dudukutin ko iyang mata mo eh!"nakakainit ng ulo kindatan ba naman si Tala!

"Ang brutal mo! Masama bang maka-appreciate ng magandang tanawin? Hindi naman masama iyon hindi ba Tala?"nag-blush naman si Tala. Sinamaan ko nga ng tingin si Shin.

"Hindi ka naman dapat ma-threaten dyan kay Shin Toru puro hangin lang naman iyan."wika ni Shugen na ikinasingkit ng mata ni Shin.

Mabuti naman at maayos ang lumabas sa bibig ng isang ito.

"Oo nga,sa aming tatlo ako kasi iyong batayan ng kagwapuhan eh hindi naman kita tataluhin kaya wala kang magiging problema."dagdag ni Ken.

"Balat kalabaw ka na gago! Kapal mo!"koro ni Shugen at Shin. The girls giggled.

Natapos din ang argumento sa mga walang kwentang bagay. Pupunta na kami sa resto. Hindi ba at sinabi nila na sila na ang bahala sa sarili nila? Gagamitin tiyak ng mga ito ang kapangyarihan nila. I smirk at the thought. Kung alam lang ng mga ito na may kakayahan din kami ni Maru nakipagyabangan na ako kanina pa.

Sumakay na sina Tala,Uni at Karin sa kotse. Si Maru at ako lamang ang kasama nila dahil si Yumi at Miyata ay sa tatlo sumabay. Si Uni ang nasa passenger side ni Maru. Syempre pa ay katabi ko si Tala. Hinapit ko siya sa beywang napatingin siya sa akin. Hindi naman ako nakatiis at pinisil ko ang may bandang pwetan niya.

"Toru!"nanlalaki iyong mata niya.

Napatingin si Maru sa rear view mirror at napangisi. Sina Uni at Karin naman ay nagtatakang nakatingin sa amin.  Pagkaano ay ibinalik nila muli ang tingin sa kalsada.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga ni Tala. Ramdam ko na kinilabutan siya. I smirk.

"Kung tayo lamang dalawa ang nandito sa kotse na ito ay tiyak na inangkin na kita.."pang-aakit ko sa kanya.

Dumaloy ang mainit na pakiramdam sa katawan ko sa isipin na kaming dalawa ni Tala here in the car naked.

"Behave.."kinurot niya ako ng dalawang beses at pinanlakihan ng mata.

I smirk at her. I keep my arms around her that i could stay like this forever..

Nakarating kami sa resto. Nagtaka nga sina Tala kung bakit nadatnan na namin kaagad sina Ken doon buti na lang at nakalusot dot com kami.

Muryou:Toru Suname[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon