Chapter 24-Ruined promise of our foes..

292 9 0
                                    

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Miyata. Nakita kong humahangos din ng takbo si Maru at dad papunta sa kwarto ni bayaw. Pabalya kong binuksan ang pintuan.

"Nasaan si Yumi?!"

Nakatiim ang bagang ni Miyata habang nakakuyom ang kamao. Binalingan ko ng tingin si Zak.

"Akala ko ba ay may paraan para magkausap si Miyata at Yumi..may paraan para makausap namin siya?!"

"Nakausap siyang saglit ni Miyata kaya lamang ay naputol..masydong malakas ang itim na kapangyarihan na bumabalot sa palasyo ng Jumon na hindi nakayanang makatagal ng orasyon ko.."

"Tss."sa inis ko ay sinuntok ko iyong pader.

Pupunta kami ngayon sa bayan ng Koro. At dahil itinigil ng mga mangkukulam ang pananalakay ay sinamantala naman namin ang pagkakataon para isaayos ang lahat na napinsala nila. Pagkatapos naminsa Koro ngayong araw ay pupunta naman kami sa Zairo bukas. Magkakaroon ng pagtitipon doon para sa lahat ng bayan ng Libre.

Sumapit ang kinabukasan..

Sakay na kami ng matitikas na kabayong itim papunta sa Zairo. Ang pagtitipon ay para pag-usapan na din ang gagawing pagdepensa sa kalaban kung sakaling sumalakay ulit ang mga ito. Ayaw ni dad na magpakakampante dahil mangkukulam ang pinag-uusapan dito,mga tusong nilalang.

Kasalukuyan ng nagsasalita si emperador Hajime sa harapan ng entablado nang bigla na lamang magkagulo. Tili ng mga kababaihan at hiyawan ng mga kalalakihang salamangkero habang nagtatakbuhan ang pumuno sa buong paligid.

Ito na nga ba ang sinasabi ni dad..

Bwisita namin ngayon ang mga mangkukulam sa pamumuno ni Kit. Nagtagis ang bagang ko. Gustong-gusto kong burahin ang ngisi ng gago. Kinuha niya si Yumi at hindi iyon dapat palagpasin!

Galit na hinarap ni Miyata si Ketsuya. Gumawa ng harang si dad at si Kira para sa mga mamamayan ng Libre. Nabahala naman ako nang makita ko si emperador Hajime na lumapit kina Miyata at Kit. Malambot ang hitsura ng mukha ng emperador para sa kanyang bastardo sa kabila ng galit na ipinapakita ni Kit. Dinig ko ang babala ni dad sa matalik na kaibigan. Mabuti na lang at mabilis si Ken,nag-instant transmission siya palapit sa emperador at dinala ito sa harang na gawa ni dad at Kira.

Nagsimula ng umatake ang mga mangkukulam. Nakipagtunggali naman sa mga ito ang mga mandirigma at kawal na salamangkero.

Nakadinig naman ako ng tunog. Napatingin ako sa direksyon ni Hiromi. Tumutugtog siya ng flauta. Bakit naman ngayon pa niya naisipan na tumugtog kung kailan nagkakagulo? Nababaliw na ba siya?

Lumamig ang paligid. Alam ko kung sino ang may kagagawan nito..si Kimiko at Hisuke,ang dalawang mangkukulam na kasama ni Kit sa aming mundo,isang nagmamanipula sa temperatura at isang nagmamanipula sa yelo. Kasabay ng paglamig ng paligid ay ang pagbuhos ng ulan.

Pingdikit at pinalagutok ko ang aking mga kamao at nagpasyang sumugod na din sa kalaban. Mano-mano. Masasabi kong magaling na akong makipaglaban ng mano-mano sa ilang mabibigat na pagsasanay na ginawa ko dito sa Libre.

Si Maru ay may hawak na espada. Si Shin naman ay ginagamit ang hangin niya sa isang mandirigmang mangkukulam. Si Yona ay kalaban si Kimiko. Si Shugen naman ay si Dilan. Magkapareha si Tetsuwo at Haruka sa pakikipaglaban. Nakakamangha pala talaga ang kilos at galaw ng isang ninja. Si Ken ay katunggali pa ang iang mandirigma na hindu ko kilala katulad noong kalaban ni Shin. Si Miyata naman ay sinugod si Kit.

Sino naman ang haharapin ko ngayong napatumba ko na ang ilan sa mga kawal na mangkukulam. Napangisi ako nang makita ko si Hisuke.

"Mukhang ikaw ang malas na makakaharap ko.."

Muryou:Toru Suname[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon