Intro

5.9K 127 3
                                    

"Anak dito ka o.. Halika! Tuloy ka sa bahay natin! Pasensya na at hindi ito kasinglaki at kasingganda ng mansyon nyo ha? Pero feel at home ka lang anak! Kukuha lang ako ng mamimiryenda mo!" Sabi ng tunay na mama ko 'daw' habang dumiretso sa kusina. Naiwan naman yung papa ko 'daw' na nakatayo sa may gilid na hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha.




In my twenty years existence in this world, I never thought na ampon lang pala ko. Minahal naman ako ng dad ko na syang nagpalaki sakin. Ramdam ko yun kaya sure ako. Kaya hindi ko noon naisip na, binili nya lang pala ko para may mapaglaruan sila noon ni Mom before she passed away.




At ngayong nalalapit na rin syang sumunod kay Mom, inamin na nya sakin ang totoo at ibinalik nya pa ko sa mga tunay ko raw na mga magulang.




"A anak.. Upo ka muna.. Baka nangangalay ka na dyan.. Kanina ka pa nakatayo dyan sa may pinto.. Halika.. Pasok ka na.." Sabi pa ng tatay ko pero tiningnan ko lang sya.




Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Hindi ko kayang magalit kina Dad kasi hindi naman sila nagkulang sakin kaya okay na ko sa side nila. Pero dito sa mga tunay ko raw na magulang? Ewan ko lang. I didn't know their reasons kung bakit nila ko binenta at wala na naman akong balak na alamin pa yon.




Gusto lang ng Dad ko na makilala ko sila kaya nandito ko ngayon. Pero it doesn't mean na tanggap ko na kagad sila at dito na rin ako titira.. For a month lang siguro, habang nasa abroad pa si Dad for his theraphy at ayaw nya kong isama doon.




Pumasok na ko ng bahay at una ko kagad napansin ang maraming pictures na nakapatong sa isang divider nila doon at mga nakasabit sa wall. Kung tutuusin, maayos din naman tong bahay nila. Fully furnished kahit medyo maliit lang at walang second floor.




Tiningnan ko isa-isa yung mga pictures at kaagad ring napakunot ang noo ko ng makita ko yung sarili ko sa isang frame doon. Mukhang five years old pa lang ako doon at ang ganda-ganda pa ng suot kong white dress. Solo pic yon at ang laki pa ng ngiti ko.




But wait.. Kelan to? Saan to? Bat hindi ko yata alam to?




Kinuha ko na lang yung picture na yon at pinagkatitigang maigi.




"Kamukhang-kamukha mo sya.." Napalingon naman ako sa gilid ko ng bigla na lang sumulpot doon yung mama ko 'daw'. Katabi na rin nya si papa ko 'daw' at pareho pa silang nakatingin sa picture frame na hawak ko.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon