21: Old Friends

1.2K 43 1
                                    

Chapter 21





Hindi kagad ako nakakibo sa sobrang pagkabigla sa mga nangyari. Hanggang sa bigla na lang bumukas yung pinto ng may driver seat at galit na inilabas ni Conan si Fear.


Takte! Bat nya ko biglang hinalikan?


Natauhan lang ako nang marinig kong nagmumura na sa labas ng sasakyan si Conan habang pinagsususuntok si Fear.


Shit naman o.


"Tama na!" bumaba ako kagad at inawat silang dalawa. Syempre, si Conan ang nilapitan ko dahil para namang siraulo si Fear at pangiti-ngiti lang kahit inupakan na sya ni Conan. Dumudugo na nga yung isang kilay at bibig nya pero tumayo lang sya na parang walang nangyari at pinagpagan lang ang damit nya.


"Wala kang karapatang halikan ang girlfriend ko." madiin na sabi ni Conan na susugurin pa sana si Fear kung hindi ko lang sya hinaharangan.


"Tama na Conan.." sinamaan ko na lang ng tingin si Fear na nakangisi pa rin saming dalawa.


"Ano bang problema mo?!"


"Tanong mo dyan sa boyfriend mo." simpleng sagot sakin ni Fear bago sumakay na ulit sa sasakyan nya. Pero bago pa man din sya tuluyang umalis, ibinaba nya pa yung window shield. "A.. syangapala Ichiro.." napatingin naman ako saglit kay Conan na ang sama pa rin ng tingin kay Fear. Magkakilala ba sila? "Ngayon, alam mo na rin ang pakiramdam.. ng inaagawan.."


Ano daw?


Sabay baling na ulit nya sakin. "See you tomorrow Shan.." at tuluyan na rin syang umalis.


Naguluhan naman ako sa sinabi nya at sa mga nangyari at nang makalayo na syang tuluyan ay tyaka ko pa lang binalingan si Conan.


"Co~

At bago ko pa man din maituloy ang sinasabi ko ay hinalikan na rin nya ko bigla.


"Sakin ka lang Shana.. sakin lang.." sabi pa nya habang hawak nya ang magkabilang pisngi ko. Tumango lang naman ako bago nya ulit ako hinalikan.


***


Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kaming nakahiga lang ngayon ni Conan sa kama ko. Nakaunan at nakayakap lang ako sa kanya habang hinahaplos nya ang buhok ko.


Bakit hindi sya nagsasalita? Galit pa rin ba sya?


Dahan-dahan na lang akong tumingala at tiningnan sya. Tumingin rin naman sya sakin pero hindi pa rin sya nagsalita.


*clear throat

"Galit ka pa rin ba?"


Tumigil lang sya sa paghaplos sa buhok ko sa halip na sumagot kaya tinuon ko na yung isang kamay ko sa kama para mas matitigan ko pa sya.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon