Chapter 26
"Layuan mo si Shana!" Sigaw ni Conan bago sya sumugod at inilayo kagad si Fear sakin.
Napatayo naman ako ng mahulog sa kama si Fear. Gusto ko sana syang itayo kaya lang, hinawakan ni Conan yung kamay ko.
"Conan.."
Pakiramdam ko maiiyak na naman ako.
Hinawakan nya lang ang magkabilang pisngi ko bago nya ko hinalikan sa noo.
"It's okay Shana.. It's going to be okay.." Sabay tingin na ulit nya kay Fear na tumayo na rin.
Napatingin naman ako sa may pinto at wala na doon si Ronan. Saan na naman yon nagpunta?
"Binabalaan kita Sean. Kung may problema ka sakin, ako lang ang gantihan mo. Wag mong idamay dito si Shana. Dahil sa oras na may gawin kang hindi maganda sa kanya, hindi talaga ako magdadalwang isip na patayin ka." Madiin na sabi ni Conan kay Fear na ikinagulat ko kaya napahawak na lang ako sa braso nya.
"Conan.."
Hindi naman sya sinagot kagad ni Fear at bahagyang ngumiti lang sya bago napakamot sa ulo.
"Umalis ka na lang muna.. Sean."
Halata kong nabigla pa si Fear sa itinawag ko sa kanya pero tumango rin naman sya.
"Mag-usap na lang tayo sa susunod.. Marami pa kong gustong sabihin sayo Shan.." Tinanguan ko naman sya bago sya umalis ng di man lang tinitingnan si Conan.
Nang makaalis si Fear ay iniharap naman ako ni Conan sa kanya. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nya pero hindi naman sya kagad nagsalita.
"Conan.." Niyakap ko na lang sya at niyakap rin naman nya ko pabalik. "Conan.." Hindi ko na naman napigilan pa ang mga luha ko.
"Sshh.. Okay lang ako Shana.. Okay lang ako."
***
"Si Fear Sean? Sigurado ka ba dyan?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Ronan matapos nyang maikuwento sakin ang lahat ng pinagdaanan nila ni Conan.
Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at nang makaalis si Fear, ay dumating rin naman kagad si Ronan at sinabi na sa akin ang lahat.
Imposible! Si Fear Sean ang gustong magpadukot sakin? Bakit? Anong dahilan nya? Kung sya talaga si Sean bakit naman nya ko gustong kidnapin?
"Mishana, layuan mo na sya habang maaga pa. Siguradong mapapahamak ka lang ng dahil sa kanya.." Hinawakan pa ng mahigpit ni Conan yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi. Alam kong may dahilan si Fear kung bakit nya naisipang gawin yon. Naniniwala pa rin ako na hindi nya ko kayang saktan.. Kung sya nga talaga si Sean.
Hinawakan ko na lang yung isang pisngi ni Conan gamit yung free hand ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.
And before I could speak, nagulat na lang kami ng may biglang nabasag kaya napatingin kami kay Ronan.
"Oops sorry! Masakit kasi kamay ko kaya nabitawan ko." Ngumiti pa ng alangan samin si Ronan habang napapakamot sa ulo nya.
Tumayo naman kagad ako at nilapitan sya.
"Akin na nga kamay mo."
"Huh?"
Basta ko na lang kinuha yung magkabilang kamay nya at tiningnan. Sht! Bat ang dami nyang sugat sa palad?
BINABASA MO ANG
The Doll Maker ✔
Mystery / ThrillerDon't judge them as if you know them well... Sometimes, the least person you think can't hurt you is the one who really wants to kill you. *** Date started: Oct. 12, 2016 Date completed: February 4, 2017 Highest rank: #40 in Mystery...