11: Family

1.5K 42 0
                                    

Chapter 11





"Ano ho bang ikinamatay ni a-ate?" Hindi ko talaga sure kung paano ko to maitatanong sa kanila pero sa halip na kulitin si DC na buklatin yung files nila na confidential para sa mga kagaya kong sibilyan, mas naisip ko na dapat sa mga magulang ko na lang yun itanong. Besides, hindi pa rin naman alam ni DC na kapatid ko yung isa at kauna-unahang namurder doon sa serial killings na yon dahil simula ng tumira ko dito, inalis na nina mama yung mga picture ni ate at nilipat na lang nila sa kwarto nila ni papa. Ang natira na lang sa sala ay yung kauna-unahang picture ni Ayesha na napagkamalan kong ako dahil kamukhang-kamukha ko talaga.




"B-bat mo naitanong anak?" Tanong rin ni mama at napahinto pa sila sa pagkain ni papa. Dinner time and as usual, sa ganitong oras lang kami nakakapag-usap dahil pareho silang busy sa araw at palagi naman akong wala dito sa bahay.




"Hindi ko ba yun pwedeng malaman?"




"Anak~ mukhang ayaw pang sabihin yun sakin ni mama pero hinawakan ni papa yung isang kamay nya na nakapatong sa mesa.




"Pinatay sya Mishana. Pinatay yung ate mo. At nito lang nahuli yung suspect. Pero sa totoo lang, duda ako doon anak." Napakunot naman ako sa sinabi ni papa. "Tatlong buwan na ang lumipas at ngayon lang sya nahuli dahil nasabit din ang pangalan nya sa dalawa pang babaeng napatay.. Pero anak, nung pinuntahan namin sya kanina sa presinto.. Parang hindi sya yung tipo ng tao na kayang pumatay o manakit ng kapwa."




"Anong ibig nyong sabihin?" Nagkatingin pa silang dalawa bago si mama naman ang sumagot.




"Ang hinala kasi namin nung una.. Parang babae rin ang pumatay sa kapatid mo. Ang dami nya kasing kalmot at halos maubos na rin yung buhok nya ng makita namin yung katawan nyang halos.. Halos.." Mangiyak-ngiyak na si mama habang nagkukwento dahil siguro naaalala na naman nya. "Halos lantang gulay na binali-bali ang mga buto at.. at.. tinalupan pa yung likod nya ng kung sino mang nakapahayop na gumawa noon sa kapatid mo.." Napaiyak na doon ng tuluyan si mama at kinomfort naman sya kagad ni papa. Pero itinuloy pa rin nya ang kwento. "Hula pa namin ni papa mo.. Baka isa sa mga babaeng obsessed sa boss nya ang may gawa noon.."




"At alam mo ba ang masaklap pa doon anak.. Nagtrabaho rin sya ng tapat at matagal sa mga Bouvier pero hindi man lang sila tumulong para mapabilis ang kaso.. Nagbigay lang sila ng donasyon para sa libing tapos wala na. Ni hindi man lang nagpakita sa burol yung boss nya." Sabi pa ni papa na nagpakunot ng noo ko. So.. nagtrabaho si Ayesha sa mga Bouvier? Kaya ba sya may calling card nung Fear Sean?




"Pero.. Sa tingin nyo talaga babae ang gumawa noon?" Tanong ko pa.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon