Last part na to ng nakaraan ni Eizen. Konti na lang, ending na! Itutuloy ko na ulit si 'Mr. Taxi'
Chapter 41
Naging maayos at masaya naman ang naging pamilya ni Eizen ng sumunod pang mga taon. Inakala na rin ni Arra na nagbago na ang asawa pero hindi pa rin pala. Nang mamatay ang mga magulang ni Eizen sa isang aksidente, ay doon lang din nya nalaman na patay na rin pala ang lola nya, matagal na. Dahil doon, nagalit si Arra at binalak na nyang maglayas kasama si Misha pero nahuli sya ng asawa. At sa gitna ng kanilang pagtatalo, nawala na sa sarili si Eizen at napatay na nya ang sariling asawa. Pinalabas na lang nya na sa sakit ito namatay at di na nya pinakita pa sa anak ang bangkay.
Matapos ang ilang taon, tyaka nya lang din pinayagan ang anak na bumisita sa puntod nito. Pero madalang nyang samahan doon ang anak at tanging driver at yaya lang nito ang madalas doong nakakasama.
Hanggang sa isang araw, nagulat na lang si Eizen ng pag-uwi nya sa kanila ay naabutan nyang nagsasalita mag-isa ang anak sa kanilang garden at may hawak na isang manika.. Isang manikang napakapamilyar sa kanya.
"Sabi ni Roro umiimik ka daw.. Huy! Anna Marie! Why don't you talk to me? You know, I hate dolls but your an excemption.. Binigay ka sakin ng kauna-unahan kong naging friend e. You know what too.. I like Roro! He's like a big brother to me.. How I wish I also have kuya's or ate's or I can be a big sister too! But Dad seems to love Mom only.. Because I didn't see him date any other girls.. What do you think Anna Marie? Can I be a~
"Sweetheart..?" Napalingon naman si Misha sa ama at agad din itong napangiti at sumalubong ng halik sa ama.
"Dad!"
Niyakap din naman ni Eizen ang anak pero hindi nya maalis ang tingin sa manikang sya mismo ang gumawa para kay Anna Maria.
"I thought you hate dolls?"
"Yes dad! But not her.. Dad, meet Anna Marie, my sister!"
"Anna Marie..? Where did you get her?"
"I went to Mom yesterday and I met a new friend named Roro.. He gave me this doll and told me to take care of this because it is gave by his mom."
Kinagabihan din ay bumalik si Eizen sa basement ng bahay nya si Eastwoods kung saan naghihintay doon ang kanyang taong kinidnap at pinalabas na patay na.
"Do you still love me or hate me that much that you even gave one of my precious dolls to your son?" Sabay smirk pa ni Eizen bago umupo sa isang silyang katapat ng pinagtalian nya kay Anna.
Umiiyak lang doon si Anna at hindi makasagot dahil na rin sa tape na nasa bibig.
"Huh! What a coincidence Annia.. Look.. I have an idea.." Sabay tayo pa ni Eizen at nilapitan ang umiiyak na dalagang nakagapos sa upuan. Hinaplos-haplos pa nya ang pisngi ng dalaga na gustong-gustong lumayo sa kanya. "Tutal naman.. Mukhang hindi rin tayo magiging isang buong pamilya.. Gagamitin ko na lang din yung dapat na anak natin Annia.. Gagamitin ko si Mishana.. Para sirain ang pamilya mo.." Mas napaiyak na lang doon si Anna bago lumayo na rin sa kanya si Eizen. "And oh by the way, before I forgot.. May regalo pa naman din sana ko sayo.."
Sabay bukas ni Eizen sa isang malaking aparador na nasa gilid ng basement. At ng buksan nito ang ilaw, ay halatang nagulat at hindi makapaniwala doon si Anna.
"Kilala mo pa ba sila?" Sabay lapit pa ni Eizen sa unang human doll. "Look, here's Raj! My rich kid buddy! Namimiss ko na rin ang mga panlilibre nito sakin! And this.." Sabay baling pa nya sa kasunod na manika. "O, he's your beloved brother Annia.. Hey Jan Miel.. Here's your sister.. Wanna say hi to her?" Ibinaling pa ni Eizen ang manika kay Annia na nagpaiyak lang dito ng husto. "And here's Jayv and Shun too.. Look Annia! Ang galing ko di ba? Kuhang-kuha sila? And here's.." Sabay seryoso pa ni Eizen. "What should I call him.. Lance or Neji? A, but whatever! I still prefer calling him Sano.. And the last one.." Mas naging seryoso pa si Eizen habang nakatingin sa huling manika. "Your asshole ex-boyfriend! Ang puno't dulo ng lahat ng to.." Sabay baling ni Eizen kay Anna. "Tell me the truth Annia? Do you really love me or.. It's still Jelan after all this time?"
Natawa pa ng bahagya si Eizen at binalewala na lang ang huling tanong. "Oh right, I got it! But look at them.. They are the perfect gifts for you Annia.. But since kinalimutan mo na ko.. Itutulad ko na lang din sa kanila.. Ang buong pamilya mo.. At para maging masaya ka.. Isasama na rin kita."
***
Sa mga sumunod pang mga taon, mas pinagtuunan ng pansin ni Eizen ang pagpapalaki mag-isa sa anak at ang pagpapatupad ng mga plano nya. Una nyang dinispatsa si Chief Superintendent Marwell Ichiro na syang tumutugis din sa kanya. Nakausap kasi ito ni Anna bago nya ito kinidnap. At nang mapagalamanan nyang dito rin pala iniwan ni Anna ang isa nitong anak, tyinempuhan nyang nasa labas ito at sinagasaan sa karsada. Akala nya'y napatay na nya ito doon kaya isusunod na nya sana yung isa pa nitong kakambal na kaibigan na rin ng anak nya. Pero nagbago ang plano nya, at mas inuna nya muna ang bagong napangasawa ni Anna, si Leian Gabriel Bouvier.
Gaya ng mga nauna, pinalabas nyang aksidente lang ang lahat at inaantay nya munang matapos ang libing bago nya kinukuha ang mga bangkay ng biktima. Si Fear Sean ang isinunod nya. Binangga nya rin ito pero nagulat sya ng makitang daluhan ito ng anak sa karsada. At hawak pa ng batang lalaki ang manikang ginawa nya.
At dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan at wala sa plano nya, gumawa sya ng paraan para magkrus ang landas nila ni Ronan. Hindi naman nya ito totally kinausap dahil tinabihan nya lang ito sa waiting shed at nagkunyari ring naghihintay lang ng bus. May kinausap pa ito kunyari sa cellphone.
"Hindi na. Papunta ako ngayon sa mga Bouvier. Nabalitaan ko kasing namatay yung anak nya." Pagkarinig naman noon ni Ronan ay dali-dali rin itong tumakbo paalis para hanapin si Misha at ibalita ang narinig.
Dahil sa sobrang pagkalungkot ng anak, pansamantala nya munang dinala sa ibang bansa ang anak. At pansamantala rin nyang nakalimutan ang mga plano nya. Pero ng bumalik sila ni Misha sa bansa, ay nabalitaan nya ring buhay pa pala si Fear Sean.. At si Conan. Tapos ang anak nya ay mas napapalapit pa ng husto kay Ronan.
Dahil doon, nagdesiyon na si Eizen na iwan ang anak nya at magpanggap ng may sakit. Itinuloy na nya ang mga naudlot nyang plano at sinimulan nya iyon kay Conan. Pero dahil umaayon din sa kanya ang takbo ng tadhana, ginamit nya ang kapatid nito para sa mga plano nya. Lahat ng babaeng nalilink kay Fear ay pinapatay nila. Tapos binibigyan nya ng hint si Conan para mangyaring nadoon rin ito sa lahat ng krimen. At ang mga babaeng nalink kay Fear, ay nauugnay din sa pangalan ni Ronan. Naging fling din ito ng binata o kaya nama'y naging kaklase o kliyente.
Kaya ang lahat ng nangyayari ngayon ay naaayon sa plano nya. At lahat ng mga biktima ay nilalagyan nya ng number 11 sa batok.. Birthdate nilang tatlo nina Anna Maria at Nejiara Sano.
BINABASA MO ANG
The Doll Maker ✔
Misteri / ThrillerDon't judge them as if you know them well... Sometimes, the least person you think can't hurt you is the one who really wants to kill you. *** Date started: Oct. 12, 2016 Date completed: February 4, 2017 Highest rank: #40 in Mystery...