50: Hello Baby

1.5K 36 0
                                    

Chapter 50



Mishana's POV


It's been two months since dad passed away. Oo, nasaktan ako ng husto pero.. Hindi na ko umiyak pa nung libing nya. Tanggap ko na. Tho hindi ko pa rin nalilimutan ang lahat. Isang linggo din akong araw-araw nagpunta sa sementeryo para kausapin at ipagdasal sila. Not only my dad, but also my mom, my sister at lahat ng mga naging biktima nya. For sure lahat sila, matatahimik na. At sana, maging masaya na rin sila kung nasaan man sila.


Ako ang nagsilbing witness sa mga nangyari. Lahat ng perang naipundar ni dad, ginamit ko sa pagpapalibing sa mga human doll nya. Maging yung mana ko, hinati-hati ko na lang sa mga pamilya nila. Ibinenta ko na rin yung mansyon namin at yung sasakyan ko. Wala naman akong hinanakit kay dad pero para makalimot kailangan ko talagang magsimula ulit..


Isa pa, hindi lang naman ako ang pinaka nasaktan din dito. Maging yung mga kaibigan ko. Lalo na yung.. Mga tunay na anak ni dad. Hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataong makilala at makasama ang tunay nilang ama na ako ang pinalaki at inalagaan.


Sayang din talaga.. Pero wala e. Nangyari na.


At sa loob ng two months na yon na pag-aayos namin ng mga nasira, unti-unti.. nagmomove on na rin naman kami.


Ako, sa mga tunay ko ng magulang ako nakatira at tinotoo ko na ang pagtatrabaho kay Sean. Si Ronan naman, ayon nasa intel pa rin. At si Conan, napawalang sala na pero nagresign na sya sa pagpupulis. Pero may bago na rin naman daw syang trabaho. At kung ano man yon, ayun daw yung sasabihin nya sakin ngayon. Dahil may date kaming apat. At oo, apat kami kaya naiinis rin ako. Imagine? Sa sobrang busy ko nitong mga nakalipas na buwan, ngayon lang ulit kami makakapagsolo ni Conan pero talagang umepal pa yung dalawa.


*sigh
Sarap nilang sapakin pareho e! Kundi lang din talaga nakiusap sakin si Conan na pagbigyan na rin yung dalawa, dahil syempre hanggang ngayon.. Nagkakailangan pa rin sila bilang magkakapatid. Lalo na si Sean, ilag na ilag sya sa mga kuya nya, lalo na kay Conan. Kaya pag may mga ganitong pagkakataon, gusto rin naman nilang magbonding. Puro shy lang kaya hindi makaamin. Tsk.


"Hi baby Mish.."


Napalingon naman kagad ako sa may gilid ko ng sumulpot doon yung epal kong bestfriend. Pero kaagad ding nawala ang pagkabadtrip ko ng paglingon ko ay isang cute na Detective Conan ang nabungaran ko. Ang laki pa nya, siguro mga kalahati ko.


Napangiti naman ako bago ko kinuha yon kay Ronan.


"Saan mo nabili to Roro?" Ngiting-ngiti pa ko habang tinititigan si Detective Conan. Haha. Ang cute talaga ng batang Kudo.. Nakasalamin din sya.


"Actually, pinadala yan sakin ni.. Ni ano.. Ni.." Napatingin naman ako kay Ronan dahil parang di nya masabi-sabi yung sasabihin nya.


"Nino Ronan?"


"Ni Sean." Sabay iwas pa nya ng tingin na ikinangiti ko na lang.


At least, nagtatry na rin syang di tawagin sa apelyido ang mga kapatid nya.


"Aish! Wag mo nga kong ngitian ng ganan.. Tara na nga lang! Nag-aantay na daw satin doon si C-Co-Conan.." Sabay talikod pa nya sakin pero mas napangiti naman ako doon.


Haha. Ang cute talaga ng magkakapatid na to. Parang naeexcite na ko sa date namin na to a.


Umuna pa ng paglalakad sakin si Ronan pero kaagad din naman akong sumunod sa kanya at yumakap sa isang braso nya.


The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon