19: Michelle Chan

1.3K 32 1
                                    

Chapter 19




Mabilis lumipas ang mga araw habang nagtatrabaho ako sa The Bouviers. Unti-unti nasasanay na rin akong gumising ng maaga, maghanda para sa trabaho at makisama pa sa iba. Medyo nagkakamali pa rin ako paminsan-minsan pero palagi rin naman akong tinutulungan ni Winter. At ang boss ko, sa tingin ko naman, medyo close na rin kami. Medyo napapangiti ko na nga rin sya e. Sa tuwing sumasablay kasi ko sa trabaho hindi sya nagagalit, bagkus natatawa at napapailing lang sya.


At ang bestfriend kong ugok na bodyguard ni Fear? Edi ayun, snob kami pag nasa company, pero after that.. close na ulit kami. Wala e. Nasa special assignment daw kasi sya na hindi na naman nya pwedeng sabihin sakin kaya di talaga kami pwedeng mag-usap. Pero palagi talaga syang nakaaligid samin lalo na pag medyo napapadikit sakin si Fear.


"Ang hirap naman.. kaya ko ba yan?" napasimangot na lang ako sa itinuturo sakin ni Fear. Heto kami ngayon, nag-oovertime para sa bagong proposals na ipepresent nya bukas ng umaga. Trabaho ko daw to pero di ko naman maintindihan.


"Kaya mo yan. Ganito lang o." sabay lapit nya sakin at sya na ang nagtype sa laptop nya na pinapagamit nya na rin sakin. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa table nya, ako ang nakaupo sa the big boss chair at sya ay naghila lang ng isang upuan sa tabi ko. Nakapatong yung isang kamay nya sa sandalan ng silyang inuupuan ko at yung isa naman nyang kamay ay nagpipindot ng mouse. Kaliwete pala sya.


"Iedit mo lang to ng konti. Mali yung first line mo Shan.." Napalingon tuloy ako sa kanya dahil sa itinawag nya sakin. Sanay na rin naman ako sa pagtawag nya sakin non kaya lang, parang iba talaga ang dating pag sa kanya galing e. "Wag mo kong titigan.." seryosong sabi pa nya bago nya ko nilingon. Napalunok tuloy ako dahil sobrang lapit ng mukha nya sakin. Yung tipong, mga three inches na lang. "Baka magkagusto ka sakin."


Napakurap-kurap naman ako doon sa sinabi nya. At bago pa man din ako makapagsalita, may bigla na lang lumipad na cellphone sa pagitan naming dalawa kaya naglayo kagad kami. Tss. Kahit di ko tingnan, alam ko na kung sinong may gawa non. Si Fear na lang ang tiningnan ko at ang sama na naman ng tingin nya sa kupal nyang bodyguard na nakatayo sa may sofa set na nilingon ko na rin. "Sorry boss.. Ang kupal nung katext ko e. Heheh.. Di ko sinasadyang dyan yan maibato.." sabay kamot nya pa sa ulo.


Hindi na naman nagreact doon si Fear at itinuloy na lang ang ginagawa. Medyo napatawa na lang ako doon ng palihim at inirapan naman ako ng bestfriend kong naglalakad papalapit sa ibinato nyang cellphone. "Wag yan ang ipapalit mo doon sa syota mong pulis na shokoy." bulong pa nya sakin habang pinupulot nya yung phone nya na dumiretso sa may ilalim ng table. "Sorry talaga boss.." sabay ngiti nya pa ulit ng alangan kay Fear. Pa-boss-boss pang nalalaman.. Tsk.


9pm na kami natapos sa trabaho at nauna na rin akong nagpaalam kay Fear at sa bestfriend kong bodyguard nya. Dala ko na rin naman palagi ang kotse ko kaya di na hassle kahit anong oras pa ko umuwi.


Pagkasakay na pagkasakay ko palang, tinawagan ko na rin kagad si Conan na nagiging busy na naman ngayon nitong mga nakaraang araw.


Bat di nya sinasagot? Mga naka-tatlong try pa ko bago nya nasagot yung tawag ko.


"Hello Conan? Busy ka pa rin ba?"


...


"Conan?"


...


"Sino to?"


Napatingin na lang ako sa ID caller ng boses ng babae ang marinig ko.


"Girlfriend nya to. Ikaw? Sino ka? Bat nasayo ang phone ni Conan?"


Takte. Pagka ganitong pagod ako sa trabaho, siguraduhin nyang aayusin nya ang isasagot nya sakin kundi, malalagot ka talaga sakin Conan!


The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon