45: Trade

1.2K 26 1
                                    

Hindi ko alam kung maiintindihan nyo to, pero sana! Haha Di ko alam kung paano magnarrate ng action scenes e. Sarreh! ^_^v


Chapter 45



Third Person's POV

Nagkandaligaw-ligaw na si Mishana sa pagbalik sa pinagkulungan sa kanya ng daddy nya dahil sa dilim na rin ng lugar. Papilay-pilay pa sya kung maglakad at ilang beses pa syang nadapa sa lakad-takbong ginagawa nya. Hanggang sa nakakita na naman sya ng isang pinto kung saan may liwanag na nagmumula sa loob.

Napahinto pa sya saglit bago nagmadaling pumunta sa tapat ng pinto. At ng buksan nya iyon, napatakip na lang sya ng bibig dahil sa sobrang pagkabigla ng unang nabungaran nya.

"R-ronan.."

At bago pa man din nya malapitan ang kaibigang nakatali ang dalawang kamay sa isang kadenang nagmumula sa taas, ay may bigla na lang humampas sa ulo nya kaya sya nawalan ng malay.

Naalimpungatan lang si Mishana sa mga sigaw at tunog ng kuryenteng naririnig nya. Hindi pa sya kagad nakabangon, dahil na rin sa pagkirot ng ulo nya. Hinawakan nya pa iyon nang bumangon sya ng paupo at napakunot ang noo nya ng makita nyang dumudugo pala yung ulo nya.

"Aaaahhh!"

Nakarinig ulit sya ng sigaw kaya pinilit na nyang tumayo. Wala naman syang tali o ano. Basta nakakulong lang sya sa isang kwartong walang kahit na ano maliban sa isang bombilya ng ilaw sa kisame. Ni pinto ay wala rin syang makita.

"Aaaahhhh!"

Napatingin na lang si Misha sa may left side nya dahil mukhang doon nanggagaling yung sigaw.

"Aaahhh!"

"S-sean?" Pumunta pa sya sa pader na nasa kaliwa nya at kinalampag iyon.

"Sean! Sean!"

Pero walang sumasagot mula sa kabilang kwarto. Sa halip, may sumigaw na naman mula sa kabilang side nya.

"Ronan?"

At bago pa man din nya malapitan iyong pader ay may sumigaw rin naman sa kabila.

"Conan.."

Napalayo na lang sya sa mga pader at pumunta sa gitna ng kwarto.

Nasa harap nya ang kinaroroonan ni Fear Sean, sa left side nya si Ronan at right side si Conan. Pero hindi nya rin masigurado iyon dahil puro pader lang naman ang nakikita nya.

"Dad.."

"Daddy tama na!"

"Dad tama na! Susunod na ko sayo! Basta tigilan mo lang sila!"

Hanggang sa bigla na lang may narinig na kung anong ingay si Mishana kaya mas dumoble ang takot at kabang pilit nyang nilalabanan. At unti-unti, tumaas ang mga pader sa harap at magkabilang gilid nya. At mula sa makapal na salamin ay nakita nya sina Ronan.

Napailing na lang sya ng makita ang mga kaibigan at boyfriend nyang naroon nga at nakagapos sa magkakaibang kwarto. Pare-pareho ng duguan ang mga mukha at katawan ng mga ito at halatang nanghihina na habang nakagapos ang mga kamay sa itaas ng ulo. Pero mas kapansin-pansin ang panghihina ni Conan na halos wala ng malay at di na rin makatayo ng maayos. Wala na rin itong damit pang-itaas at kitang-kita ang napakarami nitong hiwa sa katawan.

"Look at them sweetheart.. Sinong gusto mong unahin ko sa kanila?" Napatingin na lang ulit si Mishana sa paligid nya para hanapin kung nasaan ang pinanggagalingan ng boses ng ama pero hindi nya iyon makita.

"Dad please.." Halos mangiyak na naman si Mishana pero pilit pa rin nyang pinapatatag ang sarili.

"Dad wag na sila.. Bat ba ayaw mong maniwala?! Anak mo sina Ronan at Conan! Wag mong patayin ang mga sarili mong anak dad!"

Saglit pang nanahimik bago ulit narinig ni Mishana ang pagstutter ng speaker na hindi nya alam kung nasaan.

"So pinipili mo bang unahin natin ang kababata mo anak?"

"W-what? No!"

Pero hindi sya pinakinggan ng ama at nanlaki na lang ang mga mata nya ng makita nyang bumukas ang pinto sa kwartong kinaroroonan ni Fear Sean. May isang taong pumasok doon na nakapurong itim na damit at nakasuot din ng bonet. Pero sigurado si Mishana na yon ang daddy nya.

"N-no.. No dad please.." Mas lumapit pa si Misha sa harang na salamin para kalampagin ang ama. Pero useless iyon dahil hindi naman sya nakikita at naririnig mula sa kabilang mga kwarto.

Nagsimula ng maghasa ng dalawang malaking kutsilyo si Eizen sa harap ni Fear Sean na ang sama ng tingin sa kanya. Todo kalampag naman si Mishana sa kabila.

"Anong gusto mo bata? Mabilisan o.. Dahan-dahan?"

"Fck you." Madiin na sabi pa ni Fear Sean bago dinuruan sa mukha si Eizen.

"Tss." Tumawa pa ng bahagya si Eizen. "Tumingin ka lang sa may likuran ko.. Nandyan si Mishana at nagwawala sa kabilang kwarto. Nakikita nya tayo ngayon bata."

Nagulat naman doon si Fear Sean at tumingin nga sya sa may likuran ni Eizen. Pero salamin at reflection lang naman nila ang nakikita nya. Pero kita nya ang mahinang paggalaw niyon na parang may humahampas mula sa kabilang kwarto.

"Hayop ka. Gawin mo ng lahat ng gusto mo sakin. Wag mong idamay dito si Mishana!" Nagwala na rin si Fear Sean at pilit pa nyang sinisipa si Eizen kaya tumatawang lumayo lang ito sa kanya.

Hindi naman malaman ni Mishana ang gagawin mula sa kabilang kwarto dahil wala naman syang makitang kahit na anong pwede nyang magamit. Hindi na rin nya naririnig ang mga ingay sa labas kaya mas kinakabahan sya sa maaari pang sabihin ng daddy nya kay Fear Sean.

Hindi na lang nya sinukuan ang pag-umpog ng malakas ng sariling katawan sa salamin. Umaasa na lang syang mabasag nya sana iyon.

"Tsk. Tsk. Wag kang mag-alala.. Kayong tatlo lang ng mga kapatid mo ang isasama ko sa collections ko.. Ay teka~ di ba may mga collection ka rin? Gusto mo trade na lang tayo?"

Hindi naman nababago ang sama ng tingin ni Fear kay Eizen na nagtanggal na ng bonet.

"Nasakin yung original doll ni Jigsaw na ginamit sa Saw movies." Natigilan naman saglit doon si Fear dahil matagal na nyang hinahanap ang manikang iyon. Pero hindi nya iyon pinahalata at sinamaan lang nya ulit ng tingin si Eizen.

"Pwede kong ibigay yon sayo.. Pakakawala din kita syempre.. Kayo ng anak ko.."

Doon naman napakunot ang noo ni Fear. "A-anak mo?"

"Huh?" Sabay tawa pa ulit ni Eizen habang nilalaro-laro ang dalawang kutsilyo sa kamay. "Ay oo ngapala! Hindi nyo ngapala alam na anak ko si Mishana.."

Nagulat naman doon si Fear at di kagad nakareact.

"So, mabalik tayo sa pinag-uusapan natin.. Pakakawalan kita.. Kayo ni Mishana.. At ibibigay ko pa sayo yung original doll ni Jigsaw.. Kung.."

"Kung ikaw mismo ang papatay sa mga kuya mo.. And of course.. Sa pinakamahirap at pinakamatagal na paraan para mas masaya.."

Mas lalo namang hindi nakasagot kagad doon si Fear pero nanatili pa rin ang talim ng tingin nya sa kaharap.

"Ano bata.. Deal?"

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon