22: Middles

1.3K 46 1
                                    

[Slow Update]

Omeghed! Share feels lang. Para sa mga Ji Chang Wook fans rin dyan na nagbabasa neto. Hahaha

Katatapos lang kasi ng 'The K2' nila ni Yoona na pinapanood ko pa lang,  meron na naman syang bagong web drama this December.. With Lee Min Ho pa! Tapos nadoon rin sila Kai ng Exo, Taecyeon from 2pm at marami pang iba.. Hahah Swerte nung gurl! Choz! #FirstKissForTheSeventhTime

And btw, sobrang thank you pala sa mga readers na nag-aadd nito sa mga RL! Hindi ko na kayo maiisa-isa.. at para sa mga gusto ng dedication.. open na open naman sya para doon sa mga mag-eeffort magvotes and comments.. ^_^v

Sya basa na! Umextra lang talaga ko gawa ni JCW!




---

Chapter 22






Maghapon lang kaming naglagalag ni Conan kinabukasan kung saan-saan kaya pinatay ko na lang din muna ang cellphone ko para hindi ako matawagan ni Fear at ni Ronan. Nagpaalam na lang ako kay Winter at nagkunyaring may sakit pa rin kaya hindi ako nakapasok ngayon.




Ang totoo pa nyan, ayaw ko na rin talagang pumasok at gusto na lang din sana ulit sumama kay Conan sa Eder ville kaya lang, hindi naman pwede yon.




"Shana.." Biglang tawag sakin ni Conan na kararating lang dala ang dalawang coned ice cream na binili nya sa tapat na shop. Kasalukuyan kaming nakatambay lang ngayon sa isang playground na napakaraming batang naglalaro. Hapon na rin naman kasi at awasan na ang mga estudyante kaya mas dumarami pa ang mga tao ngayon dito.




"Thanks." Nginitian ko na lang din si Conan ng iabot nya sakin yung isang ice cream. Bago sya naupo sa tabi ko at pinanuod na lang namin yung mga batang naglalaro.




"Alam mo bang madalas ako dito noon.. Nung bata pa ko.. Pagkakaawas ko rin noon galing sa school.. Dito ako palaging dumidiretso.."




"So.. Marami kang kaibigang taga rito? How come na parang wala ka pa yatang naipapakilala sakin ni isa?"




Medyo napayuko naman ako noon bago ko kinagatan yung cone ko.




"Hindi ko rin nga sigurado kung bakit.. Kung bakit wala akong maraming kaibigan.. Noon, meron naman pero.. Dadalawa lang sila.. sila yung mga kalaro ko palagi dito.. yung isa binubully ko lang palagi at yung isa naman, parang kuya ko na.." Sabay tingin ko kay Conan na nakatingin rin pala sa akin. "Sya yung kaibigan kong taga Main City na parati kong pinupuntahan.."

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon