34: Eizen Nichii

1.3K 38 2
                                    

Chapter 34

Gabi na rin ng makabalik ako sa Main City. Inintay ko pa kasi yung kapulis ni Conan na masungit na dumating bago umalis doon. Doon ko lang din nalaman na Eigel Herrigan pala yung pangalan nung pulis na yon. Siguro mga nasa 40 or 50+ na rin edad non. I just want to make sure na may mga dala ulit syang food and clothing supplies para sa boyfriend ko. Kasi ang totoo nyan, gusto ko ulit bumalik doon, parang ayoko na ngang umalis e kaya lang.. Pinagbawalan na ko ni Conan. Kailangan ko pa ulit maghintay ng tawag nya bago kami ulit magkita.

Haist. Kelan naman kaya ulit yon?

Sabay bukas ko na rin ng pinto papasok ng unit ni Ronan.

O? Bat ang dilim dito? Nagtitipid ba si Ronan?

Pumasok muna ko sa loob ng unit at isinara ang pinto bago ko binuksan ang ilaw. At nagulat na lang ako ng makita kong nakaupo pala doon sa sofa si Ronan na halatang badtrip. Ang sama ng tingin sakin e.

*gulp

"H-hi?" Ngumiti na lang ako ng alangan sa kanya bago mas lumapit ng konti sa kinauupuan niya.

For sure papagalitan nya ko dahil hindi ako umuwi kahapon tapos late pa ko umuwi ngayon.

Relax Mishana. Act normal. Nangako ka kay Conan na hinding-hindi mo ipagsasabi kahit kanino na nagkita kayo. Even kay Ronan.

"Where have you been Mishana?" Seryosong tanong pa nya bago tumayo.

*gulp
Yan na po. Magsisimula na nga ang interrogation.

"A.. Pasensya na Roro ha.." I even made my most precious smile just to make sure na hindi nya mahahalatang magsisinungalaing ako ngayon. "Galing ako sa parents ko.. Napasarap lang sa bonding.. And you know na.. Napag-usapan rin kasi namin yung.. Pagkakahuli sa totoong pumatay sa ate ko."

Nakita ko pang nagbago yung facial expression nya kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Shet. Gumagana acting ko kay Ronan! Tuloy lang Mishana.

"Misha.." Naging malambing na ulit yung boses sya at niyakap pa nya ko bigla.

"Stay out of this. Ako ng bahala. Hindi ko hahayaang may mangyari rin sayong masama."

"Ronan.." Niyakap ko na lang din sya pabalik kahit medyo nakakainis din yung sinabi nya. Pareho lang sila ng linya ni Conan e. Tsk. Kambal nga talaga sila. Psh.

But sorry that I have to lie Ronan. Mahal ko si Conan at naniniwala rin ako sa kanya. I just need to help him or find some evidence that will prove that he's innocent.

Mahal ko kayo pareho kaya ayokong magkasira kayo ng dahil lang sa taong yon na gusto akong makuha. Pero bakit nya nga ba kasi ako gustong kunin? May atraso ba ko sa kanya o.. Magkakilala ba kami?

Pagdating ng hatinggabi, hindi ko alam kung bakit pero naalimpungatan ako. Lalabas na sana ko ng kwarto para uminom muna ng tubig ng makita kong sa sofa na pala nakatulog si Ronan. Nagkalat yung mga papers nya sa center table at maging yung laptop nya ay nakabukas pa.

I can't help but feel pity towards him. Napakasipag ni Ronan magtrabaho. Dapat talaga at this age lumalove life na sya e. Kasalanan ko talaga lahat ng to.

Bumalik na lang muna ko sa kwarto para kumuha ng kumot at dahan-dahan kong inilagay yon kay Ronan. Hindi na sya nagising, siguro pagod na pagod na rin sya.

Sunod ko namang isinarado yung laptop nya and I was about to take all his papers ng may makita akong mga pictures.

Bakit meron syang picture ni Fear at ni Conan? Stolen shots pero infairness, ang gwapo talaga ng boyfriend ko!

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon