40: His Story - Part III

1K 24 0
                                    

Chapter 40

Naging abala si Eizen sa pagpapalago ng kumpanyang ipinangalan nya kay Arra kaya hindi nya natutukan ang paghahanap kay Anna. At habang tumatagal, mas napapalapit na rin sya kay Arra na pilit na lang syang iniintindi at sa bata na kung ituring nya ay parang tunay na nga nyang anak.

"Nasan si Misha?" Tanong kagad ni Eizen sa kasambahay na sumalubong sa kanya.

"Nasa taas po sir. Napatulog na po ata ni Ma'am Arra.. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng hapunan?"

"Hindi, wag na. Nakakain na ko." Sabay diretso na ni Eizen sa taas, sa sariling kwarto ni Misha.

Pagdating doon ay dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at napangiti na lang sya ng makitang tulog na nga ang bata. Pero pumasok pa rin sya at marahang naupo sa tabi nito.

"Soon baby.. Makakasama na rin natin ang mommy mo.." Mahinang sambit pa ni Eizen habang hinahaplos ang pisngi ng bata. Naalumpungatan tuloy ito at biglang napangiti ng makita sya.

"Daddy!" Sabay bangon pa ng apat na taong gulang na bata bago yumakap sa ama.

"Sorry to disturb your sleep baby.." Umiling naman doon yung bata.

"It's okay dad. I'm really waiting for you.. Did you bring me new toys?" Napangiti naman doon si Eizen bago pinisil ang pisngi ng bata.

"Of course sweerheart.. Here." Sabay abot pa ni Eizen ng paperbags na dala nya sa bata na lalo namang nagpasaya dito.

"Wow! Castle! Thank you dad!" Sabay yakap at halik pa ni Misha sa pisngi ng ama.

"You like it?"

"Of course! Thanks dad!"

"So, do you want me to bring you some dolls to live in your castle?"

Napasimangot naman doon si Misha bago umiling. "No. My dinosaurs can live in this castle.. Together with my robots and dragons.."

"Sweetheart.. Daddy has a lot of dolls in the company.. Why don't you try to play with it? I can even gave you the most beautiful doll that has the same height as yours."

Umiling naman ulit doon si Misha. "I don't want to. Mom told me that dolls are scary so I shouldn't play with them."

"Your Mom?" Napakunot pa doon ang noo ni Eizen.

Tumango naman doon si Misha. "I even had a nightmare about dolls dad. I don't know exactly when, but in my dream, I just followed you to the basement and there I saw you.. With many dolls with the same height of yours standing in the corner and watching you. I don't know exactly what you're doing but I saw blood in your hands.. And I heard someone scream. It's a nightmare dad and It's really hard to forget."

Pinatulog muna ni Eizen ang anak bago nya ito iniwan at pumunta naman sa kwarto nila ni Arra. Doon nakita na nyang tulog ang dalaga pero walang sabi-sabing hinatak niya paupo ang kamay ng dalaga kaya nagising ito.

"Anong pinagsasasabi mo sa anak ko?!" Sigaw kagad ni Eizen sa nagulat na si Arra. "She supposed to love dolls. She should know and learn how to do it. Noong nakita nya ko, dapat hinayaan mo na lang!"

"Para ano?! Para matulad sya sayo?! Hindi ko hahayaan yon Zen! Hangga't nabubuhay ako, hinding-hindi ko hahayaang maturuan mong pumatay si Mishana!"

"Ikaw ang nagturo non sakin!"

"Tinuruan lang kitang gumawa ng manika! Hindi ang pumatay ng mga inosente!"

Kinabukasan.. Habang sabay-sabay nag-aalmusal ang tatlo..

"Dad are you going to work today?"

"Why baby?"

"Can we go to the amusement park together with Mom?" Natigilan naman doon si Eizen at di kagad nakasagot sa bata. Tuwing restday nya kasi ay madalas nyang ipinapasyal ang anak pero hindi kasama si Arra.

"Misha.. You know Mom can't~
Sagot na lang ni Arra pero sumabat na rin kagad si Eizen.

"Okay sweetheart. I'll cancel your Mom's meeting today." Natuwa naman doon yung bata at nagkatinginan na lang ang dalawa.

Buong maghapon namasyal sa isang sikat na themed park ang tatlo at mukha talaga silang isang masayang pamilya. Marami rin silang naging pictures dahil dinala ni Eizen yung Dslr nya.

"Dad bibili lang kaming ice cream ni Mom!" Paalam ni Misha na tinanguan naman ni Eizen. At ng maiwan sya ay naisipan na lang nyang tingnan ang mga kuha nyang pictures. At di nya rin maiwasang hindi mapangiti habang pinapanood ang mga nakangiting kuha nya sa anak.. At ni Arra. Hanggang sa may mga boses syang narinig na nakaagaw ng pansin nya.

"Mama doon tayo sa carousel! Magkatabi kami ni Cocoro tapos doon kayo ni Papa at ni Baby Fear Sean sa squash!" Sabi ng isang batang lalaki sa ina.

"Ano honey? Sasakay ka ba daw sa squash?" Natatawa pang tanong ng babae sa asawa na syang may bitbit ng bunso nilang anak.

"Syempre! Gusto ng mga anak ko e!"

"Yehey!" Nagtatalon naman yung kambal at magkaakbay pang lumakad papunta sa carousel kasunod ang mga magulang.

Napatingin naman sa kanila si Eizen at halos mabitawan nito ang hawak na camera sa sobrang pagkabigla sa nakita. Kung di lang nakasakbit yon sa leeg nya ay pihadong nagpatak na iyon.

"A-annia.."

Sinundan na lang ni Eizen yung mag-anak na nakita nya at nakalimutan na nya ang kanyang mga kasama. At parang unti-unting tinutusok ang dibdib nya sa sobrang sakit na nakikitang masaya ang babaeng pinakamamahal nya na may kasamang iba.

"A-annia.."

Nakita pa sya nung isang bata at itinuro sa kanyang ina. Pero bago pa makaharap sa gawi nya ang babae ay mabilis na rin syang tumalikod at naglakad papalayo.. Habang umiiyak.

'Hindi ka pwedeng maging masaya sa iba Annia.. Ako dapat ang kasama mo.. Tayo dapat ang masaya..' Sa isip pa ni Eizen habang tinatahak ang daan papuntang parking lot. Doon nakaabang na sa kanya sina Arra at Misha na kumakain pa ng ice cream. At ng mapansin ni Arra na umiiyak si Eizen ay kaagad nyang pinapasok ang bata sa kotse bago pa nito mapansin ang ama.

"Why Mom?"

"Cr lang ako baby mabilis lang." Sumunod naman ang bata at sinalubong na rin ni Arra ang binata.

"Zen.."

Ilang segundo pang napatitig si Eizen sa dalaga bago nya ito niyakap ng mahigpit.

"Zen.." Niyakap rin naman sya pabalik ni Arra at ang sunod na sinabi ng binata ay lubos na nakapagpabigla sa kanya.

"Let's get married Arra."

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon