48: It's Over

1.1K 31 4
                                    

Chapter 48



Hinang-hina na si Conan ng muli syang magkamalay at makitang hindi pa rin nagigising si Mishana.


"Shana.." Mahinang tawag pa nya sa dalaga na pilit nyang inaabot kahit na nahihirapan na rin syang itaas ang mga kamay nya.


"Ichiro.." Narinig pa nya ang mahinang pagtawag ni Fear pero wala na rin syang lakas pang lumingon.
Hanggang sa naramdaman na lang nyang may bumagsak sa may binti nya. At kahit di na nya yon tingnan, alam nyang si Ronan na yon.


Pare-pareho na silang nawawalan ng pag-asa at gusto na lang maiyak sa sitwasyon. Si Fear nakagapos pa rin, si Conan halos hindi na makita ang mukha dahil sa sariling dugo at si Ronan na unti-unti na ring umuubo ng may kasamang dugo.


Doon lang ulit nakakuha ng lakas si Conan ng makita nyang nilapitan ni Eizen si Mishana.


"Tangina! Wag mong lapitan si Shana! Wala kang kwentang ama!" Tatayo pa sana si Conan pero bumagsak rin kaagad sya. Medyo nadali nya pa ang mukha ni Ronan na namamanhid na ang buong katawan.


Nginisian lang naman ni Eizen si Conan bago sya lumuhod sa harap ng anak.


"We will go home now sweetheart.." Malambing na sabi pa nya sa anak. At ng tuluyan na syang nakalapit dito ay pare-pareho silang nabigla ng biglang kumilos ng mabilis ang isang kamay ni Mishana na may hawak na isang piraso ng nabasag na bubog.


Napalayo kagad doon si Eizen pero huli na rin dahil nahalit na ng bubog na hawak ni Mishana ang kanyang leeg. Hindi makapaniwalang napaupo tuloy sya habang hawak ang leeg na dumudugo.


Natigilan din doon si Fear at si Conan. Maging si Ronan pero bigla ring nangilid ang mga luha nya.


Dahan-dahan pang bumangon ng paupong nakaluhod si Mishana paharap sa kanyang ama. Walang bakas ng kahit anong emoyon ang mukha nito habang tinititigan ang hawak na bubog na may dugo. Pinisil nya pa iyon para madurog kaya nagdugo rin ang kanyang kamay. At pag-angat nya ng tingin kay Eizen na nahihirapan ng huminga habang nakatitig sa kanya at lumuluha ay napangiti sya ng bahagya.


"I-i love you dad.." Mahinang sambit pa ni Mishana bago sya mas ngumiti at gumapang papalapit sa amang nakatitig pa rin sa kanya at hawak-hawak ang leeg.


"I saw mom again.. She wants this.. They want this.." Hinawakan pa ni Mishana ang dalawang kamay ng amang nakahawak sa leeg at dahan-dahan iyong ibinaba. "It's over now dad.."


Hindi naman nakakilos doon si Eizen at patuloy lang sa pagpatak ang mga luha nya habang nakatitig sa anak at naalala ang nakangiting mukha ni Arra.


Hinalikan pa ni Mishana ang mga kamay ng ama at napaiyak na rin ito. Pero pinipilit pa rin nyang ngumiti.


"Nameet ko sila Dad.. Lahat sila.. Even your friends dad.. They want to see you.. Hihintayin ka daw nila sa port.."


Hindi naman nakasagot doon si Eizen at bigla naman nyang naalala isa-isa yung mga kaibigan nya noon.


Mas lumapit naman si Mishana sa ama at niyakap iyon ng mahigpit.


"I love you dad.. I love you.."


Mas napaiyak na lang doon si Eizen ng magsink in na sa kanya ang mga sinasabi ng anak. Niyakap na lang din nya ito pabalik kahit unti-unti na nyang nararamdaman ang panghihina ng katawan nya.


"I'm.. S-sorry sweetheart.." Halos pabulong nang sabi ni Eizen na mas lalong nagpaiyak sa anak.


"I'm sorry.."


"It's okay dad.. Everything will be fine now.. You can go now to your friends.. They're missing you.."


Napangiti na lang ng bahagya doon si Eizen hanggang sa naramdaman nyang mas hinigpitan ng anak ang pagkakayakap sa kanya. Sa sobrang higpit nito ay mas lalo syang nasasakal at nahihirapang huminga. Alam na nya ang mangyayari at may lakas pa syang umalma pero parang unti-unti na syang nadudurog habang naririnig ang mga hikbi ng anak habang paulit-ulit nitong ibinubulong sa kanya na mahal na mahal sya nito.


"Mahal na mahal kita daddy.. Mahal na mahal.. Hinding-hindi ako nagsisisi na ikaw ang umampon sakin at naging daddy ko.. Please rest now dad.. Harapin mo na silang lahat.. I love you daddy.."


Naramdaman pa ni Eizen ang paghalik ni Mishana sa ulo nya bago nya naramdaman ang pagtusok ng kutsilyong nabitawan nya kanina sa may batok nya.


"I love you dad.." Sabay yakap pa ng mahigpit ni Mishana sa ama.


At bago pa man din tuluyang pumikit si Eizen, nakita nya pa si Anna Maria na nakatayo doon sa may gilid at bahagyang nakangiti sa kanya. Nasa likod nito ang lahat ng taong.. Pinatay nya.


"P-patawad.." Huling sambit pa ni Eizen bago sya tuluyang binawian ng buhay. Napahagulhol na lang doon si Mishana habang yakap-yakap ang amang bumitaw na sa kanya.


"Please be happy now dad.. I love you.." Muli pang hinalikan ni Mishana ang noo ng ama bago nya ulit ito niyakap.


Nilingon nya yung tatlo, at nakita nyang nakaupo na rin doon si Ronan habang nakatungo at tahimik na umiiyak. Si Conan nama'y nagpilit tumayo para kalagan si Fear na biglang natumba sa kanya at nawalan ng malay. Hindi tuloy sya lalo makatayo dahil nadaganan sya nito. Nilingon na lang din nya si Mishana at ng magtama ang kanilang mga mata ay pareho na lang silang napangiti ng bahagya sa isa't-isa.


Muling hinalikan na lang ulit ni Mishana ang ulo ng ama at niyakap iyon.

***

Naintindihan nyo ba to? Well, sana. Haha

Two chapters updated for tonight.. Last three chapters to go! Ineedit ko na lang!

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon