9: Help

1.7K 48 9
                                    

Chapter 9






Hindi ko na alam kung paano naging ganito kabilis ang nangyari simula ng lumipat ako dito sa Eder Ville, pero simula ng makilala ko si Detective Conan.. Lagi na lang akong masaya at nakangiti. It's been two weeks at feeling ko napakagandang bakasyon nito. Parang ayoko pang umuwi samin sa Emperor Lands.




Araw-araw nagkikita kami, lumalabas, at nagkukulitan lang. Unti-unti, dumarami na rin ang nalalaman ko tungkol sa kanya. About sa family nya, sa tinitirahan nya, sa past lovelife nya at sa kung anu-ano pa.




Siguro nga, tinamaan na rin ako sa kanya ng sobra. Feeling ko ang ang dami-dami na ring nababago sakin ng dahil sa kanya. Madalas na kong nakadamit pambabae ngayon. Naglalagay ng light make up, at nag-aayos ng buhok.




For sure mahahalata to ni Ronan pag nagkita na ulit kami. And speaking of my dear bestfriend, syempre wala syang kaalam-alam tungkol sa mga nangyayari sakin. Matagal na rin kaming di nagkikita, bigla kasi syang naassign sa ibang lugar dahil sa trabaho nya. Pero paminsan-minsan din naman, nagkakausap kami thru phone, hindi naman ako kayang tiisin nun e. Kaya medyo nagiguilty rin talaga ko at hindi ko masabi sa kanya yung tungkol kay DC.. At oo, pinangatawanan ko na rin yung tawag ko sa kanya. As in!




"DC!" Sabay tayo ko pa ng makita ko syang lumabas na ng conference room kasama yung mga kapulis nya. Actually, kanina ko pa sya hinihintay dito sa may maliit na lobby ng presinto nila. May usapan kasi kaming lalabas ulit ngayon pero malelate daw sya at nagkaroon sila ng biglaang meeting about doon sa kaso nilang hindi pa rin nareresolba. Yung about doon sa mga salvage victims na natagpuan malapit dito. Wala pa rin kasi silang makuhang lead suspect.




"O yan na pala girlfriend mo. Ibang klase, ikaw ng sinusundo ngayon." Naiiling pang bulong nung isang pulis na kasabay nyang naglakad papuntang lobby.




Psh. Napairap naman ako doon.




Hello?! Pakinig ko kaya. Bwiset talaga yung pulis na yon. Sa lahat ng mga kapulis dito ni DC, sya lang talaga ang hindi ko makasundo at palaging ang init ng dugo sakin. Hanggang ngayon ata, ako pa rin ang pinaghihinalaan nyang killer. Bwiset sya!




"Hi!" Nakangiting bati naman sakin ni DC na tinanguan na lang din yung kapulis nya bago sila naghiwalay. Nginitian ko rin naman sya at sinalubong ko na rin sya halfway.




"Kamusta yung meeting nyo?"

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon