14: Sister

1.4K 43 0
                                    

Chapter 14





Sa Karatt Falls na rin kami naglunch dahil pinabaunan naman kami ni lola ng mga pagkain. Pagkatapos niyon, balik swimming na rin kami. Nakakatuwa talaga ang araw na to. Sobrang saya ko! Ang dami-dami ko ng nalalaman tungkol sa kanya at ang dami na rin naming pictures together. Napakamemorable ng araw na to!




"Nag-enjoy ka?" Tanong nya sakin habang kumakain na kami ng pakwan na syempre pabaon rin ni lola sa may batuhan sa gilid ng falls. Hapon na at mukhang malapit-lapit na ring dumilim.




"Mm. Sobra! Hindi nakakasawang magswimming dito. Katawan ko lang sumusuko e!"




"Talaga? Madali ka pa lang mapasuko?"




Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. And before I knew it, nakayakap na sya sakin at hinahalikan ako. Sht, parang yung unang halik lang nya sakin. Yun nga lang, more passionate at mas nararamdaman ko yung.. pagmamahal na ba ang right term doon para sakin?




Nagreresponse din naman ako sa halik nya hanggang sa napasandal na lang ako sa malaking bato na nasa may likuran ko. He's more aggressive this time at jusko! Ayaw ng gumana ng utak ko? Ito na ba yon? Dito talaga?!




Napapaungol na lang ako habang bumaba sa leeg ko yung halik nya.




"Conan.."




At bago pa tuluyang bumaba yung halik nya, hindi ko alam pero biglang nagpop-out sa utak ko ang galit na image ni Ronan.




"Mishana!" Sigaw pa nya sa isip ko kaya natulak ko bigla si Conan. Napalingon pa ko sa paligid ko to check kung narito nga ba si Ronan, dahil parang narinig ko talaga sya!




"I-i'm sorry.." Napatingin na lang ako kay Conan ng magsalita sya.. Sht lang! Wet look! Umiwas ka sa tukso Mishana, lagot ka kay Ronan!




Bahagyang nginitian ko naman si Conan bago ko hinawakan yung isang pisngi nya.




"Okay lang.. Don't worry.. Mabilis rin naman siguro ang five years di ba?" Napangiti naman sya bigla sa sinabi ko at binigyan nya pa ulit ako ng isang mabilis na halik sa labi.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon