33: Trust

1.2K 35 1
                                    

Chapter 33


Ilang beses pa kong napalunok habang nakatitig lang sa malaki at lumang bahay na nakatirik sa gitna ng kagubatan. Sa Eastwoods rin ito pero sobrang layo rin sa bahay nila. Parang bundok na nga talaga ito e.

Paano kaya to nadiscover ni Conan?

Huminga pa ko ng malalim bago naglakad papunta sa may pinto. Pero natigilan lang ulit ako at di kagad nakakatok.

Makikita ko na sya di ba? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Normal lang din naman sigurong kabahan..

Huminga pa ulit ako ng malalim at kakatok na rin sana ng bigla kong matigilan.. Nang maramdam ko ulit yung dalawang brasong iyon na yumakap mula sa likuran ko. Parang bigla na lang akong nanigas at sunod-sunod na ring nagpatakan ang mga luha ko.

"Shana.." Bulong pa nya sakin bago nya ko niyakap ng mas mahigpit.

"Conan." Sabay kalas ko sa yakap nya para makaharap ako sa kanya.

Myghad! Ano ba yan? Kahit mukha syang stress ang gwapo nya pa rin! I want to laugh at my thought pero nawala na rin yon sa isip ko ng bigla nya kong yakapin at halikan.

How I missed this, his touch, his kiss, everything. I missed him so much.

Niyakap ko rin sya pabalik at ginantihan ng halik.

Hindi ko na alam kung paano kami nakapasok sa loob ng bahay dahil hindi naman nya pinuputol yung halikan naming dalawa. Napahinto lang sya ng matigilan ako sa pagrespond dahil sa narealized kong nakahiga na pala ko sa sofa.

"Shana.."

Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero yung nasa isip ko kasi..

"Ayoko dito sa sofa Conan.."

Napangiti naman sya sa sinabi ko kaya napangiti na rin ako.

I really missed his smile.

"I love you Shana.. After tonight.. Di ka na bata.."

Medyo napatawa naman ako doon. "I-I love you too Conan.. And FYI, di na sabi ako bata." Mas napangiti lang naman sya bago nya ko hinalikan ulit at nagrespond din naman ako. Hindi ko na ulit namalayan kung paano kami nakarating sa kwarto dahil naramdaman ko na lang ulit na inihiga nya ko, but this time sa kama na.

Hindi na ko nagreklamo o tumutol pa ng isa-isahin na rin nyang tanggalin ang mga saplot namin sa katawan. Basta ang alam ko lang, starting from tonight.. Susundin ko na yung nararamdaman ko.. Magtitiwala lang ako sa kanya.. Dahil sigurado akong mahal nya ko..

Nararamdaman ko yon.. Dahil sa bawat haplos nya sa balat ko at paghalik nya sakin, ipinaparamdam nya yon. Sa tuwing titig sya sa mga mata ko, nakikita ko na totoo yung pagmamahal nya.

"I promise to clean this mess Shana.. Just trust me.. I will never let anyone to hurt you.."

Tumango lang naman ako sa sinabi nya bago nya ulit ako hinalikan at sinimulang angkinin. Why it feels like years na hindi kami nagkita? But whatever. Kahit marami pa ring bumabagabag sakin, I am so happy tonight. So happy with his arms na parang gusto ko na lang na takasan ang lahat para lang makasama sya.


Nagising ako kinabukasan dahil sa walang tigil na pagtunog na cellphone ko. Pero ayoko pang bumangon, sobrang nanlalambot pa ang buong katawan ko. Ni ayoko pang imulat ang mga mata ko.

Iniextend ko na lang yung kamay ko para sana yakapin si Conan pero wala na kong nayakap.

Luh? Napabangon naman ako kagad ng paupo para tingnan ang buong kwarto.

The Doll Maker ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon