Escapade Three

22.4K 152 4
                                    

Okay...

Alam niyo 'yung pakiramdam na parang nanlalamig 'yung likod ng batok niyo hanggang sa tungki ng mga tenga niyo tapos bahagyang nagtataasan pa ang mga balahibo doon? Kanina ko pa nararamdaman 'yun. 'Di ko na nga sana papansin pero masyado na akong naiilang.

Dahan-dahan na iniangat ko ang tingin. Nahigit ko ang hininga nang masalubong ang matiim na titig ni Sir. Bahagyang namilog pa ang mata ko sa intensidad ng tingin niya. Ramdam na ramdam ko iyon kahit na ba nasa harapan siya ng klase at ako naman ay nakaupo sa dulong upuan.

Ano na namang ginawa ko? Seryoso ko namang sinasagutan ang quiz ah!

Lilingon pa dapat ako sa likod para siguraduhin na 'di ako nagkakamali ng akala pero naalala ko na ako na ang nasa pinakalikod. So, it's me he was staring at, right?

Ako rin ang unang nag-iwas ng tingin. 'Di ko natagalan ang mariing tingin niya. 'Di ko kaya.

Pinilit kong magconcentrate sa sinasagutang quiz pero nanunuot pa rin talaga sa balat ko ang init ng tingin niya. Nakakapaso. Nakakakuryente.

Ang awkward lang ng feeling 'pag sa tuwing titignan ko si Sir ay nakatitig pa rin siya sa'kin. Ang seryoso pa ng mukha niya.

Monday na ngayon at nasa klase kami ni Sir Cabrera. 'Di na nagtuturo si Sir. Nagbigay siya ng quiz at nakaupo lang siya doon sa desk niya sa harap ng klase. Prente siyang nakaupo sa upuan niya sa likod ng lamesa.

'Yun nga. Sa tuwing mag-aangat ako ng tingin ay nakikita kong nakatitig pa rin talaga siya sa'kin.

'Di ko alam kung napapansin din ng mga kaklase ko 'yun dahil busy sila masyado sa quiz. Ako naman ay 'di makapag-concentrate dahil nga sa feeling na nakatitig sa'kin si Sir.

Maraming beses na nagkatitigan kami ni Sir sa buong oras ng klase. 'Buti na lang nakaya ko pa ring sagutan ang quiz nya kahit na nag-iinit yung pakiramdam ko. I keep on squirming on my seat because of his intense stares.

Nang natapos ang oras ng klase namin sa kanya ay pakiramdam ko nanghihina ako. Walang lakas ang mga kalamnan ko. Naubos 'yung energy ko sa kakaisip kung bakit siya nakatitig sa'kin. At lalong nanlalambot 'yung tuhod ko sa isiping baka alam na ni Sir na ako 'yung nagpapadala sa kanya ng mga regalo.

Kailangan ko na talagang ihanda ang sarili ko sa pag-amin. Physically, emotionally, and mentally.

Emotionally and mentally para maka-recover ako agad if ever na ang consequence ay tanggihan ako ni Sir, which is 'di malabong mangyari. Given na ang hot ni Sir, siguradong 'di niya kailangan ang tulad ko. I mean, girls would probably throw themselves right on Sir Cabrera's feet for his disposal. Kagaya ng ginagawa ko. At ano ang panama ko sa mga iyon, 'di ba? Kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. Nakakahiya 'yun ng sobra at nakakababa ng self-esteem six feet underground.

And of course, physically rin ay kailangan kong ihanda. S'yempre kapag maganda ang kinalabasan. Meaning, kapag nangyari ang mga gusto kong mangyari.

Napangiti ako dun.

I'm so excited! I just can't hide it!

Naging busy ako sa buong week na ito. Biglaan kasi ang pag-announce na magkakaroon daw ng event this coming Saturday night. At dahil member ako ng student council ay kabi-kabilaan ang ginagawa ko. Mag-i-stay na naman ako sa school ng extra hours para sa preparations along with the other members of SC.

'Gaya ngayon. Nakauwi na dapat ako pero eto ako ngayon sa school grounds at nagdidikit ng kung ano-anong abubot sa stage. Nakakapagod na, nakaka-stress pa dahil madalian ang preparations. At ang mas nagpapa-stress sa'kin ay kapag nakikita kong pinagmamasdan ako ni Sir Cabrera. 'Yung titig niya na pinapalambot ang mga tuhod ko.

Helena Villasis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon