I yawned as I instinctively reached on the other side of the bed. Bigla akong napadilat at lumingon agad sa tabi ko nang unan lang ang nakapa ng kamay ko.
Wala si Sir! Inaasahan ko pa naman na makikita ko ang hitsura niya kapag bagong gising sa umaga.
Umupo ako sa kama at lumingon-lingon sa kabuuan ng kwarto. Binalot ko sa hubad kong katawan ang kumot at tumayo na nang 'di nakita si Sir.
Ang sakit ng buong katawan ko! Para akong nag-exercise ng todo nang hindi nag-warm up. Para akong nabugbog. But in a nicest and sweetest way. I felt sore down there, too. Kaya medyo paika-ika ang nagawa kong paglakad. Ilang beses din naman namin 'yun inulit ni Sir. Ilang beses kong nadama ang experience na 'yun. Ang saya lang! Bahagya pa akong napangiti doon.
Dumiretso ako sa pinto ng banyo sa kwarto at tuluyang binuksan iyon.
"Sir?" Tawag ko pero wala man lang kaluskos na sumagot sa akin.
*opens bathroom door*
Wala si Sir!
*gets out of the room*
Wala si Sir sa sala!
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero ayaw magpapigil ng mga negative thoughts sa pag-ikot sa utak ko.
He left me? Why? Did he just realize he didn't want me? Did he regret it now?
Kahit di ako sigurado na 'yun nga 'yung reason ni Sir kaya siya umalis ay nasaktan pa rin ako. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko.
Sa nanlalabong mata ay bumalik ako ng kwarto. Binalik sa ibabaw ng kama ang kumot at pinulot ang underwear ko sa paanan ng kama. Sinuot ko na iyon at lumabas na ulit ng kwarto.
Nasa ibabaw pa rin ng kitchen table ang dress ko, pumps at camera. Sinuot ko na rin ang dress at pumps ko. I finger-combed my hair and ready to leave when I noticed my pictures still scattered on the table.
Iniisip ko kung babawiin ko ba o hahayaan na lang. Sa huli, di ko na lang kinuha. Binigay ko na, eh. Instead, yung gray na shirt ni Sir ang dinampot ko at sinuot din. Wala akong pakialam kung ano man ang hitsura ko with my gray shirt over my red dress with red heels.
Mukha akong ewan, alam ko. Umiiyak pa ako. Pero wala talaga akong pakialam. Ang sakit kasi. Ginusto ko to at hinanda ko ang sarili ko para dito. Pero pucha! Ang sakit talaga!
Dire-diretso ako sa labas ng building na yun. Oblivious of the stares of the people I passed by. Seven pa lang ng umaga at Sunday pa kaya di ganun kadami ang tao. Pinara ko agad ang unang taxi na nakita ko at nagpahatid na pauwi sa bahay ko.
Habang nasa cab, tuloy-tuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. Maraming bagay ang naglalaro sa isip ko. Pero isa lang ang napag-desisyunan ko.
That is what I want right? To know what it feels like to be loved by Sir Cabrera, even just in bed? To have a one-night stand with him? Now, I got what I want. And I told myself before that it was enough. It will be enough.
Right. Nakuha ko na ang gusto ko. Nalaman ko na ang gusto kong malaman. I think that was already enough for me. Tapos na. Okay na.
I've decided, I'll act as if nothing happened.
★★★
"HELENA!"
Sabay na sigaw nila Kath at Mabel nang makita nila akong papasok sa gate. Patakbo silang lumapit sakin at yumakap.
Natawa ako. "Ano ba'ng drama yan, mga bruha?"
"Huhuhuhu! Na-miss ka namin, Hel." - Mabel
"Okay ka na ba? Magaling ka na?" - Kath
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
Fiksi UmumR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...