Kelan ba yung next time na sinasabi ni Sir?
Yun lang ang nasa isip ko habang nakatitig kay Sir na nasa harap ng klase. Seryoso lang siyang nagtuturo doon habang ako ay seryoso namang pinapanood siya. Nakapangalumbaba pa ako sa desk ko at tutok lang sa kanya ang tingin.
Buong weekend akong sabik sa next time na sinabi niya. Nag-asam pa ako na pupuntahan or co-contact-in niya ako para lang matuloy yun. Assuming ko talaga. Kung meron lang akong contact number ni Sir, ako na mismo ang mag-aaya. Namumuti na kasi ang mga mata ko sa paghihintay sa susunod niyang mga kilos eh.
Now that I think about it, dapat mahingi ko ang contact number ni Sir. Para sa emergency cases like this. I want him. I need him.
Kanina ko pa inaabangan ang tingin pabalik sakin ni Sir pero halos dalawang oras na siyang nasa harap ay di pa rin umabot ang tingin niya sakin. Lumilibot ang tingin niya sa buong klase pero di pa nagtatama ang mga mata namin. May pakiramdam tuloy ako na iniiwasan niya talaga akong tignan. Feelingera talaga.
"Huy! Sarap na sarap ka sa pinapanood mo ah?" Tinusok pa ng mahina ng katabi kong si Kath ang bewang ko.
"Sarap talaga." Bulong ko namang pasagot. Napatitig naman tuloy ako sa harap ng pants ni Sir. Si Kath kasi!
"Ayy letse! Makinig ka naman. Mahuli ka ni Sir dyan na di nakikinig." Tatawa-tawang sabi niya sakin.
Yun na nga siguro ang ginagawa ko. Lantaran kong pinapakita na di ako nakikinig para naman pagtuunan ako ni Sir ng pansin. Kahit isang beses lang. Kahit pagalitan niya pa ako. On second thought, wag na palang pagalitan. Nakakatakot kasi siya magalit.
"Do you have any questions?" Malakas na tanong ni Sir sa lahat.
Kelan yung next time, Sir?
Nagtaka pa ako nang halos lahat ng kaklase ko ay nagsipaglingunan sakin. Shit. Don't tell me... Did I just say that out loud?
Nasagot naman ang tanong ko nang marinig ko ulit ang boses ni Sir.
"What is it, Villasis?"
Nasalubong ko ang seryoso at matiim na titig ni Sir pagbaling ko sa kanya. Kanina ko pa yun hinihintay pero ngayong natanggap ko na nanghihina naman ang mga binti ko. Di ko talaga kinakaya yung mga tinginan niyang ganyan. Para akong nalulusaw.
"Uh, n-nothing, S-Sir." Utal na sagot ko. Syet talaga!
Nakahinga ako ng maluwag nang wala ng sinabi pa si Sir. Nagpatuloy lang ulit siya sa pagdidiscuss. 'Be careful of what you wish for' nga naman.
"Oy bru! Ano na namang eksena mo?" Bulong lang ni Me-Ann.
Nilingon ko sila saka asiwang nginitian lang. Natatawang tumitingin sakin ang mga bruha. Pasimple pang nagsisilingunan sakin para lang pagtawanan ako. Mga abnoy.
"Papansin lang ba't ba?" Patawang sagot ko.
"Harot 'te ah?" Narinig kong sabi ni Me-Ann na tinawanan ko lang. Nagsalita ang bruha!
Ay wow! May surprise quiz si Sir! Surprised talaga kami dahil forty items. Iba si Sir! Nakakaiyak basahin yung mga tanong na di ko alam. Yan ang napapala ng hindi nakikinig.
Nagsagot na lang ako sa abot ng makakaya ko. Piga kung piga ng utak. Tahimik rin ang buong klase at seryoso sa pagsasagot. Malaki rin kasing percentage sa grading system ni Sir yung quizzes. Pinaghiwa-hiwalay pa nga yung mga upuan namin na parang major exams ang mangyayari.
Napaigtad pa ako sa kinauupuan ko nang may biglang maramdaman sa kaliwang tagiliran ko. Nasa dulo kasi ako napapwesto at sa sulok pa ng kwarto kaya alam ko sa sarili ko na imposibleng may dumikit sakin. Unless...
![](https://img.wattpad.com/cover/5703327-288-k701710.jpg)
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
General FictionR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...