Escapade Nine

14K 143 18
                                    


Just fuck?

So, we'll be one of those so-called fuck buddies?

Matagal na napatitig ako sa mga mata ni Sir. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayong seryoso lang siya at matiim kung tumitig. Ramdam na ramdam ko ang reaksyon ng bawat himaymay ng katawan ko sa kanya.

Hanggang ngayon ang hirap pa ring paniwalaan na isang kagaya ni Sir Cabrera ang unang karanasan ko. Parang imposible kasi na mapansin niya ako. Sa tipo ni Sir alam mo na agad na sya ang nilalapitan ng mga babae. Isang tingin, lusaw agad ang panty ng kahit sinong babae. Parang ang hirap abutin. Kaya nagpapasalamat ako at nagkalakas ako ng loob na gawin lahat ng ginawa ko para mapansin niya. Di lahat ay kayang gawin yun.

Oo, ako ang unang nagbigay ng motibo. Ako ang naglatag ng sarili ko sa kanya. Ginawa ko lahat ng alam kong paraan para maakit siya. Maraming pwedeng itawag sakin kapag kumalat ang mga nagawa ko. Pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang pake.

Ngayon nga ay sinabi na ni Sir ang mga kondisyon niya. We'll just fuck. Marami na namang masasabi ang mga taong makakaalam. But again, pakihanap ng pake ko.

Bago pa ko magdesisyon na ituloy lahat ng plano ko, naisip ko na ang mga possible outcomes and consequences ng gagawin ko. Alam ko na ang mga pwedeng mangyari at maging tingin sa akin ng ibang tao kapag nalaman nila pero tinuloy ko pa rin. Walang alinlangan. Para maranasang mahalin ni Sir kahit sa kama lang. Kahit minsan lang. Isang beses nga lang ang in-imagine ko. Tikim lang talaga.

At ngayon, binibigyan ako ng chance ni Sir na matikman pa ulit sya. Ng paulit-ulit. Sino ba naman ako para tumanggi sa kanya?

"And that's my deal, Villasis. If you want to back out now, I'd understand." Pukaw niya sa matagal na katahimikang namagitan sa amin.

"Deal." Diretso at walang kagatol-gatol na sagot ko. Di ko na kailangang mag-isip ng matagal at ilang beses. Gusto ko ito. Gusto ko siya.

Bakas naman ang gulat ni Sir sa naging sagot ko. Parang di niya inaasahan na sasang-ayon ako. Napaawang pa ang mga labi niya at tila di masabi ang nasa isip.

"We'll just fuck, right? I'm not your girlfriend. You're not my boyfriend. No commitments and romantic things. We won't date. I understand."
Ang lakas ng kalabog sa dibdib ko habang iniisa-isa ang mga kondisyon ni Sir. Yung mga bagay na kailangan kong panindigan. Nanatili lang ang mga mata namin sa isa't-isa. Tila nagsusukatan ng kaseryosohan naming dalawa.

Bigla namang ngumisi si Sir. "You understand, hm? Do you really?"

Napakunot naman ang noo ko sa tono niya. Parang nang-aasar. As if there's a hidden joke that I know nothing about.

"We'll just fuck, Villasis. I'll fuck you anywhere and anytime I desire to. I'll take you in any way possible. And you can't say no." Nakangisi pa rin sya.

Feeling ko pagbabanta yung sinabi niya but I'm not sure. Di kasi ganun yung dating sakin. Kakaibang excitement pa kasi ang umusbong sakin sa narinig ko.

Kahit saan. Kahit kailan. Sa kahit anong paraan o posisyon. At di ako pwedeng tumanggi.

Tinranslate ko pero mas tumindi lang ang nararamdaman kong pagkasabik sa mga posibleng kaganapang iyon. Nagsimula na namang dumaloy ang kakaibang init sa katawan ko sa mga imaheng pumapasok sa utak ko.

Umawang ang mga labi ko habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Sir. Nagbabanta pero mas naaakit ako. Binaba ko ang tingin sa nakangising labi niya. Damn.

Napalunok ako. "I-I understand, Sir. And trust me... I won't say no." Halos paos ang boses na sabi ko habang nakatingin pa rin sa labi ni Sir.

Nawala ang ngisi niya kaya napaangat ulit ang tingin ko sa mga mata niya. Nawala rin ang kaninang nagbabantang tingin niya. Napalitan iyon ng misteryosong ekspresyon na ang hirap basahin. Matiim siyang tumitig sa mata ko at parang hinahanap ang kasiguraduhan ko sa mga binitiwang salita.

Helena Villasis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon