Escapade Eight

16.8K 216 36
                                    

"Sorry, Sir. Akala ko kasi talaga -" Napayuko ako sa hiya. 'Di ko na natapos ang sasabihin ko dapat. Nahihiya tuloy ako sa katangahan ko. "Sorry talaga, Sir." Mas mahinang sabi ko.

May ilang sandali rin ang lumipas bago may nagbasag ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa mga daliri kong nagkukutkutan. Parang di ko kakayanin kung sasalubungin ko pa ang tingin ni Sir matapos ng nakakahiyang nagawa ko.

"It's okay now. 'Wag mo ng isipin yun." Marahang sabi ni Sir. Wala ng bakas ng galit na kanina ay nilalabas niya.

After niyang sabihin 'yun ay mahabang katahimikan na naman ang sumunod. Tila pareho kaming nagpapakiramdaman. At ayoko ng ganito. Awkward kasi para sa akin. At 'yung excitement na nararamdaman ko, 'di ko na mapigilan. 'Di ba kasi sabi niya 'we'll talk first'? E tapos na kami mag-usap. So... p'wede na?

"A-ah... Sir -" Umpisa ko pero agad ding naputol.

"Let's eat." Pagkasabi ni Sir nun ay dumiretso na siya sa kitchen.

Napapakamot sa batok na sumunod na lang ako kay Sir. Tsk! 'Di naman ako gutom. Gusto ko sanang sabihin 'yun kay Sir pero ano naman ang iisipin niyang rason. Baka isipin niya pa ay sabik ako sa susunod naming gagawin kahit pa iyon ang totoo. Nakakahiya ka talaga, Helena!

Pagpasok ko sa kitchen, nakita ko si Sir na nakatayo lang sa tapat ng lababo at parang ang lalim ng iniisip. Siguro napagod lang sa trabaho. Tapos dumagdag pa ako. Nilapitan ko na siya at hinawakan sa braso. Mukhang nagulat naman siya sa'kin kasi biglaan siyang lumingon sa gawi ko.

"E Sir ako na lang maghahanda. Upo ka na lang." Aya ko sa kanya. Ilang sandali siyang napatitig sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Sumunod naman siya at umupo na. Parang wala talaga si Sir sa sarili niya.

Dahil ba... kasi akin na siya?

"E, Sir, ano bang gusto mo?" Tanong ko habang naghahalungkat sa ref. Nakita ko ang tinapay at jar ng mayonnaise. Egg sandwich na lang siguro.

"Hmm..."

Para akong naestatwa sa pagkakayuko ko nang maramdaman si Sir sa likod ko. Nakikitingin din siya sa laman ng ref kaya naman sobrang lapit nya sa'kin. Naramdaman ko pa ang paghinga ni Sir sa gilid ng leeg ko na nagpataas sa mga balahibo ko sa batok.

Shit!

Pakiramdam ko inaamoy ni Sir ang buhok ko. At iba ang feeling pag may gumagawa sayo nun.

Nakakapanghina ng sagad.

May inabot si Sir sa loob ng ref kaya naman mas nagkadikit ang mga katawan namin.

Napatuwid ako ng tayo sa gulat. At dahil nga nakayuko ako sa ref...

A-aray! Naumpog po ako sa fridge. Dang!

Nakakagulat naman talaga kasi... Kasi dumikit yung ano sa ano ko e. Sino bang di masa-shock?

"Shit! Are you okay?" Tanong ni Sir na agad lumapit sa'kin at hinawakan ang likod ng ulo ko.

Ramdam ko naman ang kilig na kumalat sa katawan ko dahil sa concern na ipinakita ni Sir Cabrera.

"A-ahh... Okay lang, Sir. Di naman ganun kasakit." Sabi ko na lang kahit na parang naalog ang buong katauhan ko sa pagkakauntog ko na yun.

"Are you sure? Jeez! I'm sorry!" Pagkasabi ni Sir nun ay niyakap niya ako. Yung yakap na protective. Yung may pag-iingat. Yung... nakakakilig.

"O-okay lang talaga, Sir."

Hinalikan muna ako ni Sir sa buhok bago niya kinalas ang pagkakayakap niya. Naiwan akong parang tanga at naestatwa sa harap ng ref na bukas pa rin. Lumalabas ang lamig at tumatama sa akin pero nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko. Feeling ko nga yung usok na nakikita ko ay hindi malamig at nanggagaling sa ref kundi steam na mula sa akin kasi nga nag-iinit ako.

Helena Villasis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon