Nakarating kami sa ika-apat na palapag nang di ko namamalayan. Lutang pa rin kasi ang pakiramdam ko. Pero parang biglang niyanig ang pagkatao ko nang muling masalubong ang mga mata ni Sir Cabrera.
His hands were clasped together and his elbows were leaning on the railings. Parang may pinapanood na eksena sa ibaba.
Dumiretso siya ng tayo at namulsa. Seryoso at matiim pa rin ang titig niya sa akin at tila may gustong ipahiwatig. Kagaya kanina sa cafeteria. Di ko pa man nahuhulaan kung ano ay bigla na siyang tumalikod at naglakad palayo.
Ngayon mas lutang ako dahil sa titig ni Sir. Tuluyan ng nalimutan ang tungkol kay Zac o kung ano mang bagay. Si Sir lang. At bumalik na naman ang pagkasabik ko para sa mangyayari mamaya. Ang aming next time.
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko nang malapit na ang uwian. Kinakabahan ako na naeexcite. Parang nung unang beses namin. Nung papunta pa lang kami sa unit niya. Kinakabahan ako pero di naman ako makapaghintay sa mangyayari.
As usual, duty sa faculty. Makakasilay na naman kay Sir tapos pagkatapos nun, ehem. Di talaga ako sumama sa mga bruha sa laban nila Zac sa Villamor. Kahit anong pilit at pambablackmail na ginawa nila sakin kanina ay di ako natinag. Si Sir pa rin. Sana talaga mamaya na yung next time na sinasabi ni Sir. Katigang kasi yung kanina sa classroom.
May pagmamadali ang mga kilos ko at sabik na talaga akong matapos lahat ng paperworks at assigned tasks sakin. Napansin din yun ng ibang co-members ko at tinutukso akong inspired. Tinawanan ko na lang sila. Sino bang di mai-inspired di ba? Si Sir Cabrera ba naman ang finish line.
Dumating ang four o'clock at nakatitig na lang ako sa pinto. Naghihintay sa pagdating ni Sir. Fortunately natapos ko ang mga tasks ko. So wala na akong ibang gagawin kundi titigan si Sir hanggang sa matapos ang duty ko. Well, depende pala kung may biglang iuutos.
Napatuwid pa ako sa pagkakaupo nang sa wakas ay iluwa si Sir ng pinto. Parang may sabay-sabay na nagtalunan sa loob ng katawan ko nang makita ko siya. Nakakapanghina ang epekto nya sakin.
Lalo na nang magtama ang mga tingin namin. Di ko na alam kung paano ipapaliwanag ang pakiramdam ko ngayon. Parang may something na sasabog at gustong kumawala. Di naman siguro orgasm ito pero almost the same ang pakiramdam.
Siya ang unang nag-iwas ng tingin at naglakad na papunta sa table nya. Di ko naman siya hiniwalayan ng titig hanggang sa makaupo na siya. Again, our eyes met. Ang lakas talaga ng pakiramdam ko na ngayon yung next time namin ni Sir. Sa mga titig pa lang, ramdam ko na.
"Uy te! Malusaw si Sir nyan. Sayang siya. Jusko ah? Iba na mga tinginan mo." Puna ng co-member na katabi ko.
"Bakit? Ano ba mga tinginan ko?" Nakangising bulong ko pabalik. Nanatili lang ang tingin ko kay Sir na ngayon ay kasalukuyang may binabasa.
"Baklita ka. Nang-aakit na eh." Tatawa-tawang sagot niya.
"Talaga? Sana umubra para masaya." Sabay pa kaming nagbungisngisan. Sana talaga maakit ko si Sir. Kasi ako akit na akit na eh. Gusto ko na.
Pabalik-balik ang mga mata ko kay Sir kahit na may ginagawa. Nagpatulong din kasi ang ibang co-members ko sa gawain nila nang mapansing nakatunganga na lang ako. Mga panira ng moment.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya at inaabangan ang tingin niya pabalik. Kakaiba ang saya na lumukob sa katauhan ko nang mag-angat si Sir ng tingin at muling nagkatinginan kami. Meaning kasi gusto niya rin akong tignan. Or baka napatingin lang siya? Lanakompake!
Tinatambol ang dibdib ko habang nakikipagtitigan kay Sir. Ang lakas talaga ng epekto sakin ng mga mata niya. Pinanghihina ako pero ibang tuwa naman pag ganitong nakatitig siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
BeletrieR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...