"Girls! Ten o'clock!" Pasigaw na bulong ni Me-Ann.
Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch. Tinuloy ko ang pagkain kahit na ba lahat sila ay nagsilingunan sa sinabing direksyon ni Me-Ann. Habang ngumunguya ay lumingon ako sa likod ko, bandang kanan, dahil kaharap ko si Me-Ann.
Nakita ko ang tatlong lalaki na nakatayo at nakikipagkamayan, more on appear na panlalaki, sa mga nakaupo sa nilapitang mesa. Sinipat ko ang mga hitsura nila. Di ko alam kung sila ba yung tinutukoy ni Me-Ann pero sila lang yung nakaagaw ng pansin ko. Ang tatangkad kasi nila at ang iingay. Napansin ko rin ang mga tingin ng ibang mga tao sa kanila.
"Oh, ano'ng meron sa kanila? Bet mo na naman, bruh?" Narinig kong sabi ni Mabel.
"Sino d'yan? Sabagay lahat naman sila pak! Magagaling pa magshoot! Hot talaga nung singkit, teh!" Sabi naman ni Leah.
Nakatingin pa rin ako sa kanila habang patuloy na ngumunguya. Ano ba namang baboy to!? Bubblegum ang lintek!
Napahinto ako sa pagnguya na parang kambing nang biglang nagkatinginan kami ng isang lalaki na nakatayo. Nakangiti siya dahil sa kausap niya pero nagfade yun nang magkatinginan kami. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sakin.
Binalewala ko na lang saka humarap na muli sa mesa namin. Tahimik na nagpatuloy ako sa pagkain. Natatawa naman ako sa asaran ng mga bruha.
"Nako, Mary Ann! May balak ka pang dagdagan yung apat!? Sinasabi ko sayo, pag ikaw nalumpo sa dami ng umaariba sa'yo, di kita aakayin! Ano!? Ikaw yung nagpasarap tapos ako maghihirap!" Sabi ni Kath na tinututok pa kay Me-Ann yung hawak na tinidor.
"O nga naman teh! Buti di ka natutuyot?" Natatawang sabi ni Leah.
"Ay pano matutuyot, Le? Lagi ngang nadidiligan!" Sagot naman ni Mabel.
Ang lakas ng hagalpakan ng mga bruha. Si Me-Ann naman ay never na-offend sa ganyang mga biro. Minsan nga siya pa nagsisimula. Inaasar niya sarili niya. Baliw nga kasi.
"Di naman kasi araw-araw, mga bru! Of course, nagpapahinga rin naman ako. Saka di naman sila sabay-sabay." Career naman na paliwanag ni Me-Ann habang ngumunguya.
Yan na si Me-Ann nung una ko siyang nakilala. Open book sa lahat yung pagiging playgirl niya kaya madalas siyang nahuhusgahan. Ang lakas din naman kasi ng bunganga niyan! Wala pang filter. Kaya naman alam ng buong klase ang mga sexcapades niya. Di ko na tanda kung paano kami naging magkaibigan. Basta dahil sa kadaldalan, biglang lagi na lang kami magkasama.
Wala siyang sineryosong karelasyon. Wala siyang iniyakan. Pag may umaayaw na, agad yun napapalitan. Mabigat yung reason niya kaya siya ganyan. So, I opt not to tell. It has something to do with her childhood. And her kuya.
"Ahh. So, may schedule sila or something?" Inquire ko. Curious din kasi ako kung paano kalakalan sa ganyang set-up.
"Wala naman, bru. Basta kung sino lang unang magyaya or kung sino bet ko. Pag may schedule kasi may commitment na rin yun. You know me. I don't like that 'c' word." Nakangiwi namang paliwanag niya. Makaarte lang.
Ganun pala. "Nangyari na ba na nagsabay sila? I mean, yung sabay." Tanong ko ulit. Di malaman kung anong word ang gagamitin.
Tinawanan naman ako ng bruha. "You mean, threesome? Yun lang di pa masabi! To answer your question, yes. I tried it but di ko masyadong nagustuhan." Kibit-balikat na sagot niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman. Never niyang kinwento samin to!
Nasamid naman si Kath. Umiinom kasi siya ng tubig. "Y-you did what, Mary Ann!?" Malakas na sabi niya pagakatapos umubo-ubo.
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
Aktuelle LiteraturR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...