Naging maayos naman ang lahat para sa event. Worth it lahat ng pagod at stress dahil mukhang nag-e-enjoy naman ang lahat sa party na nangyayari.Saturday night na at nandito ako ngayon sa school grounds kung saan ginaganap ang party. Malakas ang music na tumutugtog. Sinasabayan 'yun ng wild na sayaw ng mga estudyante sa open field.
In-organize ang party na 'yun para makakilala ng mga bagong friends ang lahat at makapag-bonding na rin ang mga graduating dahil isang buwan na lang at aalis na sila sa university. Acquaintance party ba.
'Buti na lang at event photographer ako. Nagkadahilan akong tumanggi sa mga nag-aaya sa'king sumayaw. Ituturo ko lang ang sticker sa kaliwang dibdib ko na nagsasaad na event photographer ako.
'Di naman bawal sa'min ang mag-enjoy din pero ayoko lang talaga na makipag-socialize ngayon. Naiilang na rin kasi ako sa suot ko ngayon. Sila Cath kasi eh. Pinilit akong suotin 'tong red tube dress na pinabili sa'kin ng sapilitan kaninang nag-mall kami.
'Di ako sanay na lahat ng mga nag-a-approach sa'kin ay palaging bumababa diretso sa dibdib ko ang tingin habang nakikipag-usap sa'kin. Masakit na rin ang paa ko sa red heels na kasama ng dress na binili ko kaya wala ako sa mood na mag-party. I just busied myself taking pictures for the school newspaper.
Pumunta ako sa dulong bahagi ng garden, malayo sa mga tao. Gusto ko kasing kuhanan ang buong school grounds. Ang iba't-ibang kulay ng ilaw na sabay ang galaw sa masiglang tugtugin. Ang mga sumasayaw na estudyante. Nakailang shots na ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Why are you here, Villasis?"
Paglingon ko ay nabitawan ko ang camera ko nang makita si Sir na sobrang lapit sa'kin. Naamoy ko pa ang bango niya. Nagsamang amoy ng bath soap, after shave, at Sir Cabrera's scent. Buti na lang may strap ang camera ko na nakasabit sa leeg ko kundi malamang basag na ito.
Awtomatikong umatras ako. Mahirap na at baka magahasa ko si Sir dito sa damuhan. Ang gwapo pa naman niya sa suot niyang V-neck gray shirt at dark jeans. Lalaking-lalaki ang dating. Ang lakas maka-akit para sa'king babae lang at marupok.
"S-sir." Umubo pa ako ng isang beses. May bara sa lalamunan ko eh.
"I'm just taking some pictures, Sir." Kinakabahan na sagot ko. Bahagyang nanginginig ang mga kalamnan ko sa kagwapuhan ni Sir."Hm."
Sumandal si Sir sa puno saka nag-cross arms. 'Ayan na naman 'yung titig niya sa'kin. Lumibot ang tingin niya sa buong katawan ko. Tingin lang 'yun pero feeling ko nahalikan na ni Sir 'yung buong katawan ko. I felt hot all over. And ayan na naman yung kakaibang init in between my legs.
"You're not enjoying the party?" - Sir
"Nag-e-enjoy naman, Sir. It's just that I'm not really comfortable in this dress and shoes."
"Really? Then, what kind of clothing do you prefer? Gowns? Jeans? Lacy underwear?" - Sir
Alam kong yung pictures ko na naman yung pinupunto niya. Hinuhuli niya akong madulas at umamin na ako yun. Pinigilan kong matawa. Instead, I just shrugged my shoulders.
"Naked, maybe." - ako
Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa pagkuha ng pictures. Napangiti ako when I heard him cuss. Then, biglang na-block yung pi-picture-an ko sana. Yun pala si Sir yun at tumayo sa harap ko at syang humarang sa view.
"Sir?"
"Could you take a picture of me, with the party going on as the background?" - sabi ni Sir na bahagyang kinagulat ko.
Napataas ang kilay ko pero pinicturan ko pa rin siya. Aba! Sayang ang chance! Magkakaroon na ako ng picture ni Sir! In-adjust ko ang lens para mas malinaw ang kuha.
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
Fiksi UmumR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...