Escapade One

32.7K 200 9
                                    

Kitang-kita ang bahagyang panginginig ng kamay ko nang abutin ko ang door knob. Tumingin-tingin pa muna ako sa paligid ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto ng faculty room. Nang masigurong walang paparating ay pumasok na ako saka dumiretso sa table na pakay ko.

Inaagahan ko talaga ang pagpasok every Mondays. Tapos ay mag-aabang na umalis ang naglilinis ng faculty room para makapasok ako ng walang nakakaalam. Di ako magnanakaw o ano pa mang kababalaghan pero sobrang kinakabahan ako. In fact, mag-iiwan lang ako ng regalo sa table ng professor ko.

Nilapag ko na sa lamesa ang isang envelope na naglalaman ng gift ko. Pinatungan ko iyon ng isang libro na nasa table para walang ibang makialam. Saka ako nagmamadaling lumabas ng room at bumaba ulit sa grounds para pumunta ng cafeteria. Magpapalipas lang ng oras at bumili na rin ako ng inumin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero 'di dahil sa nerbyos kundi dahil sa excitement. Napangiti ako habang ini-imagine ko siyang hawak at pinagmamasdan ang laman ng envelope na yun.

After 30 minutes, nag-decide na rin akong umakyat na sa classroom. Five minutes na lang mag-i-start na ang klase ko.

Marami na ring nasa room. Sa tingin ko nga kompleto na kami. Terror kasi ang Prof. namin when it comes to attendance. Kaya hayan, lahat kami maaga pumapasok tuwing Monday. Mas maaga nga lang talaga ako.

Umupo na ako sa upuan ko sa bandang likod at nakipag-chikahan lang sa mga katabi ko habang hinihintay ang Prof. sa first subject.

Alphabetically arranged kasi kaya sa duluhan talaga ako. Well, advantage sa'kin ang seating arrangement kasi madalas na 'di naman talaga ako nakikinig sa lesson at nakikipag-daldalan lang sa mga tsismosa ring katabi ko.

Maya-maya ay tumahimik ang classroom, indication na dumating na ang Prof namin. Ang kanina ko pa hinihintay.

Tiningnan ko si Sir Cabrera habang naglalakad siya papasok sa room at dumiretso sa table nya sa harap. Nilibot nya ang tingin sa buong klase na para bang may hinahanap. Pinigil ko ang mapangiti dahil alam ko na kung ano – rather – sino ang hinahanap ni Sir.

Hinahanap niya ang nagpadala sa kanya ng envelope na kasalukuyang hawak niya nang mariin. Matalim ang tingin niya at nakakunot ang noo. Pero kahit na nakasimangot si Sir parang mas naa-attract pa ako sa kanya.

Attracted ako kay Sir Cabrera. Hindi ko kayang ipaliwanag o sukatin kung gaano. Basta matindi ang tama ko sa kanya. Actually, halos lahat – kung hindi pa nga lahat – ng babae sa college kung saan kabilang si Sir ay attracted din sa kanya. Baka nga dito sa buong school ay pinagnanasaan din si Sir hindi lang siguro ng mga babae.

'Di ko naman sila masisisi. Gwapo naman talaga si Sir. Parang mas bagay pa nga s'yang model kesa professor. 'Yung mga ganoong hitsura dapat rumarampa at pinapakalat ang biyaya sa iba at hindi lang nakakulong sa apat na sulok ng isang classroom.

Matangkad. Lagpas 6' feet siguro kaya talagang center of attention siya kapag naglalakad sa campus. Medyo suplado nga lang ang dating niya dahil sa makakapal n'yang kilay but for me, mas ma-appeal ang guy 'pag makapal ang kilay. Especially 'yung kay Sir.

Matangos ang ilong niya at manipis ang labi na bihira kung ngumiti kaya mas suplado ang impression sa kanya ng lahat. Pero ewan ko ba! Everything about him just attracts me more to him.

"Mukhang badtrip si Sir 'no?" sabi ng kaklase kong si Me-Ann kay Cath na katabi ko sa right side. Sa kanan naman ni Cath nakaupo si Me-Ann.

"Baka 'di naka-iskor kagabi?" sagot ni Cath na ikinatawa ni Me-Ann. Pero mahina lang at baka marinig ni Sir sa harap.

"Ano'ng 'di naka-iskor? Eh magdamag nga kami." Taas ang noong sabi ko. Pinagmamalaki ang isa sa mga pantasya ko.

Natawa pati ang mga kaklase kong nakaupo sa harapan namin na nakarinig sa sinabi ko. Hindi naman kaila sa lahat ng kaklase ko na attracted ako kay Sir. Actually, lahat kami naglolokohan about sa 'magdamag' namin with Sir.

Helena Villasis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon