"Sino po, Sir?" Marahang tanong ko. Nangangapa sa galit niyang ekspresyon.
"That boy." Mas mariing sagot niya.
Nakuha ko naman bigla kung sino ang tinutukoy niya. Pero bakit naman ganito siya kagalit?
"Ahh. Si Zac ba? Kanina pa nakauwi, Sir. Hinatid lang niya ako." Hindi ko alam pero parang nangingiti ako sa kinikilos na ganito ni Sir.
"Uh-huh. Good for him." Biglang hinahon na sabi ni Sir. Bahagya pang napangisi.
Hindi ko na inusisa pa kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Tutal ay gumaan na ang atmosphere sa pagitan namin.
Pero lumipas ang ilang sandali na katahimikan. Nakatayo lang kami sa harap ng isa't-isa. Nasa labas pa rin siya ng bahay habang ako ay nasa loob.
Naiilang ako sa titig niya na hindi naalis sa akin kahit na ba walang nagsasalita. Kung saan-saan na lumibot ang tingin ko bago muling tumingin sa kanya.
Agad kong nasalubong ang matiim na titig niya sa akin. Nahigit ko na lang ang hininga bago nagsalita.
"'Y-you want to come in?" Anyaya ko. Itinuro pa ang loob ng bahay.
He looked deep in his thought for a while but still said sure eventually. Pinauna niya akong maglakad papasok at siya mismo ang nagsara ng pinto at naglock.
Awkward na naglakad ako patungo sa sala at inalok ang sofa para makaupo si Sir.
"Ano'ng gusto mo, Sir? Nagdinner ka na?" Tanong ko nang makaupo na siya. Di ko alam bakit kinikilig ako sa pagtatanong ko kay Sir. Nababaliw na yata ako.
"Hm. Tapos na. A cup of coffee will do, thank you." Pormal na sagot niya.
Napatitig ako sa mga mata ni Sir. Sa isip ay ang mga bilin ni Zac kanina lang. Sabi nga pala niya ay wag magpapapasok ng lalaki. Pero nandito na sa loob si Sir. At wag bibigyan ng coffee pag nanghingi. Pero matatanggihan ko naman ba si Sir Cabrera?
"Black or with creamer?" Syempre hindi ko siya matatanggihan. Si Sir, tatanggihan? I can't even imagine. Parang kahit sino hindi siya kayang i-reject. Definitely not me!
"Black please. No sugar." Sagot niya habang nakatingala pa rin sa akin. Nakatayo kasi ako sa harap niya habang nakaupo siya sa sofa. Black coffee, huh. Plain. Bleak. Unsweetened. Something to associate for his personality perhaps?
"Okay. Sandali lang, Sir."
Mabilis akong nagtungo sa kitchen at sa bahagyang nanginginig na kamay ay nagtimpla ng kape niya.
Kinakabahan ako.
Naiisip kong ang awkward pala ng situation namin ngayon. Nasa bahay ko si Sir ngayong gabi. Kaming dalawa lang.
Nakagat ko ang labi sa mga naiisip. Ano ba naman, Helena?! Ang dumi ng isip mo! May iba pa naman kayong pwedeng gawin ni Sir ah!
Gaya ng...
Magkwentuhan? Magtitigan? Manood ng movie? Maghabulan? Magmake out?
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa eksenang iyon. Jusko ka, Helena! Ano'ng make out?!
"Did I disturb you?"
Mabilis na nilingon ko si Sir na kasalukuyang nasa bukana ng kitchen. Nakatitig siya sa mga gamit kong nasa ibabaw ng lamesa. Napatingin pa rin muna ako roon saka siya muling tinignan. Nagsalubong na ngayon ang mga tingin namin.
"Hindi naman, Sir. I was just about to start when you came." Paliwanag ko saka lumapit sa kanya para iabot ang kape niya.
Inabot niya ang tasa. Nakasalo pa ang isang palad niya sa ilalim. "Thank you. I'll just finish my coffee then I'll go. Para matapos mo na ang ginagawa mo." Sabi niya saka marahang sumimsim sa kape niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin.
BINABASA MO ANG
Helena Villasis
Ficción GeneralR18. Ongoing. Sloweeeeest updates. Sweet Escapades #1: Helena No fun. No thrill. No excitement. And no lovelife! Na-realize ni Helena na ganyan na pala ka-boring ang buhay niya. 'Yung tipong parang routine na ang ginagawa niya araw-araw. Walang bag...