Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos haplos sa buhok ko. Tsaka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi.
"Goodmorning." he said then kiss my head.
"Goodmorning, too" tumingala ako at nginitian siya. Ngiting tunay.
Nakakumot padin ako at walang kahit anong suot. Siya naman ay nakapangbahay na.
"Get up. Breakfast is ready." nakangiting sabi niya.
Oh god! Kung ganito palagi ang scene tuwing gigising ako ay talagang magsisimba ako tuwing may misa!
"Okay."
"I'll wait for you there." he said then smile again. Ngiting mas matamis pa sa isang kilong asukal. Lumabas na siya ng kwarto.
Wow. Para kaming mag-asawa. Nakakakilig isipin na pag kami ay kinasal, ganito ang bawat umaga ko. Yung magigising ka dahil sa sweet gestures niya. Yung sasabihing luto na ang breakfast. Tapos ngingitian ka. Yung wala kayong gagawin buong maghapon kundi magharutan o maglambingan. At higit sa lahat, mahal ka ng taong mahal mo at kasama mo bawat paggising sa umaga. Ang sarap lang isipin. Sana nga eh ganoon nalang palagi ang mangyari. Walang problema, walang iniisip. Cool lang, normal na buhay.
Tumigil na ako sa page-emo at pumunta na sa CR. Pagkatapos kong magtoothbrush ay nag-ayos muna ako bago lumabas ng kwarto.
Pagdating ko sa kusina ay naabutan kong nag-aayos ng pagkain sa lamesa si Josh. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Napapansin ko, pala-ngiti siya ngayon. Anong meron?
"Hotdog and egg for breakfast!" masigla niyang sabi, "Pasensya kung yan lang, wala kasing ibang stock ref mo." napakamot siya sa batok.
"Sorry. Di pa kasi ako nag-gogrocery eh." lumapit ako sa isa sa mga upuan.
Inunahan niya ako sa paghila ng upuan at iminuwestra akong umupo. O-kay?
Bago siya umupo, may kinuha muna siya at nilagay sa gilid ng plato ko.
"Hot choco mixed with love!"
Gulat na napatingin ako sa kanya. Ano daw?! Mixed with love?
"Mixed with love?"
"A-Ah.. kasi.. kwan.. pag nagtitimpla ka daw ng maiinom at iseserve mo na, d-dapat sabihin mong mixed with love para masarapan yung iinom.. kaya yun.. oo, yun.. he-he." alanganin siyang ngumiti.
Yun pala yun. Kala ko naman.. Hay! Ang assuming ko naman.
Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami. Tanging maririnig mo lang eh yung pagdikit ng kutsara't tinidor sa plato. Hindi naman awkward silence.
"So.. anong balak mong gawin ngayon?" sabi niya.
"Ha?"
"Sabi ko, anong gagawin mo ngayon. Sunday today, right? Anong balak mo?"
"Well, wala? Baka dito lang ako sa condo. Magrereview since exam na this week. Ikaw?"
"Hmm, pupuntahan ko si Dad. Tinawagan kasi ako kaninang umaga." nakangiting sabi niya. "E sa sembreak? Diba pagkatapos nitong exam week, sembreak na? Anong balak mo?"
"Oo. Hmmm, bakasyon siguro. Ewan ko lang, baka pag-uusapan pa namin nila Rachel kung anong gagawin namin."
"Hmm." tumango-tango lang siya.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
General FictionThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...