OMG! 1M reads na! THE BEST POST BIRTHDAY GIFT EVER ♡♡♡ Thank you!! :* :)))))))
--
"Where are you?"
"On my way na."
"Okay, I love you."
"I love you too." I ended the call.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa meeting place namin. Napangiti ako nang makita ko siyang nakatayo at nakapamulsa doon. Napatingin din siya sa gawi ko, kumaway siya at ngumiti.
Lumapit ako sa kanya, pagkatapos niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Hi misis."
"Hello mister. Saan mo naman ako dadalhin ngayon?" umangkla ako sa braso niya at naglakad na kami.
Sundate. Yan ang trip namin ngayon ni Josh. Nitong mga nakaraang araw kasi ay sobrang busy kami. Siya ay busy sa pagmamanage sa merged company namin habang ako, busy kay Brianna, yung 1 year old baby girl namin. Yes, girl ang baby namin. She got the same features with Josh. Nakakapagtampo nga, siyam na buwan ko siyang dinala sa tiyan ko tapos siya ang naging kamukha. Siya kasi ang pinaglilihian ko nun.
Pinabantayan muna namin si Bree (short for Brianna) kanila Rachel at Trixy tapos babalikan din namin mamaya. Di namin iniwan kanila mama at papa (Josh's parents) dahil wala sila dito sa Pinas, namasyal sa ibang bansa, ganoon din si daddy. Hindi naman iyaking bata si Bree kaya madali siyang alagaan. Tska iniwanan din namin sila Trixy ng kakailanganin ni baby like diapers and milks.
"San mo gusto?" nakangiting tanong ni Josh sa akin. Napaisip naman ako kung saan ko gustong pumunta. Ngayon nalang ulit kami nagkaron ng alone time kaya gusto ko sa medyo romantic na place.
Nag-isip ako ng mga romantic place na napuntahan na namin ni Josh, pero parang wala akong maalala kundi 'yong condo naming dalawa. Dun kasi niya ako madalas isurprise diba? Kaya 'yun agad ang pumasok sa isip ko. Kaso hindi na samin ang condo na 'yun, may nakabili na.
"You decide." sagot lang dahil wala na akong maisip. Nag-okay nalang siya pagkatapos ay naglibot muna kami sa loob ng mall.
Matagal na din naming hindi nasosolo ang isa't-isa, pero we make sure naman na hindi lalagpas ang isang araw na hindi kami magkikita, yung tipong pagkauwi niya galing trabaho ay maaabutan niya akong tulog o di kaya naman paggising ko sa umaga ay wala na akong madadatnan dahil nakapasok na siya sa opisina. Hindi namin hinahayaan na ganoon ang mangyari. Hangga't maari ay sisikapin niyang umuwi ng maaga, ako naman ay maaga nang bumabangon para maasikaso ko siya. Ehem, the best wife here. Haha.
Pumasok kami ni Josh sa isang botique. May kinuha siyang nakahanger tapos itinapat niya sa katawan ko. Tawa siya ng tawa pero nakasimangot ako. Pano ba naman kasi, sweet sana kung 'yung mga magagandang damit ang isinusukat niya sakin kaso hindi eh. Ang isinusukat niya sakin ay yung mga 6-pockets-shorts. Tapos sasabihin niyang mukha daw akong gangster tska siya tatawa na naman ng malakas. Kinuha ko yung short tapos hinampas ko sa kanya at siya naman ang tinawanan ko. Pinagtitinginan na kami doon sa loob ng botique kaya hininaan namin ang halakhak namin. Nakakahiya!
Lumabas kami ni Josh na manawa-nawa. Para kaming mga teenagers sa pinaggagagawa namin dito.
Sunod naman naming pinasukan ay restaurant. Kumain kami saglit pagkatapod ay umalis agad. Pumunta kami sa may arcade, naglaro siya ng basketball doon, bawat shoot niya ay kikiss siya sa akin. Kinikilig naman ako, feeling teenager lang.
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
Genel KurguThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...