Thirty

207K 1.8K 68
                                    



Beautiful day. Hindi ko alam pero ang ganda ng gising ko. Parang, ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Siguro ganito talaga pag nawala 'yung galit mo sa mahal mo or pinatawad mo yung taong may kasalanan sayo. Pero hindi ko sinasabing pinatawad ko na si Alison, tss, bigwasan ko pa siya eh! Si Josh ang pinatawad ko, though kailangan niya pang patunayan ang sarili niya sa akin.




Napatingin ako sa gilid ko, katabi ko siya. Haha, ang cute talaga nito. Ang sarap i-kiss.



Wait, hindi si Josh ang katabi ko, kundi yung life-size na bear na binigay niya sa akin kagabi. Ang cute cute!



Hindi kami magkasamang natulog dahil courting stage palang ang peg namin ngayon. At oo nga pala, break na kami. I mean, we're not in a relationship but we will start a new one. Nagbreak lang kami pero that doesn't mean na hiwalay na talaga kami. Parang.. M.U. Feel ko kasing magpaligaw muna since hindi ko 'yun naranasan sa kanya.



So.. no make loves for now. Hihi.




I did my morning rituals. After that, sabay kaming pumasok ni Josh sa school. Parang wala ding pinagbago, di ba? Pero meron, 'yun ay ang kiss, holding hands at yung sweetness ko sa kanya, hindi ko ginagawa. Syempre, papakipot pa 'ko eh.



"See you sa lunch. Bye!" paalam ko sa kanya at maglalakad na sana pero hinila niya ako papunta sa kanya tapos niyakap niya ako. Mahigpit.




"Thanks again, babe. Take care, I love you." he said then showered his kisses all over my face.



Kala ko ikikiss niya ako sa lips pero huminto siya nung doon na dapat.



"I wont kiss you on the lips." napasimangot naman ako sa sinabi niya. Pero agad ding napangiti..



"That is reserved. I'll kiss you on the day that you're mine again."




**



Tapos na ang morning class pero lutang padin ako. Bakit ba ngayon lang kilig na kilig? I mean, oo dati kinikilig talaga ako sa kanya. Pero iba talaga ngayon. Yung feeling ng nag-hi sayo yung crush mo? Ganun eh! Hindi ko alam kung bakit.



We're on the way to caf. Im with Rachel and Trixy. As usual, I told them about what happened last night.  They agreed naman sa gusto kong magpaligaw muna kay Josh. Pare-parehas pala kami ng iniisip. Well, that's why we're friends.



Habang naglalakad ay parang gusto kong pumuntang CR at mag-ayos muna ng sarili. Natatawa nga ako sa sarili ko, bakit ba ako nagkakaganito?



"Uh, girls.. wait for me nalang sa caf. I uhm.. I need to pee." I reasoned-out. They nodded.




Pagkapasok ko ng CR ay humarap ako agad sa salamin. Hindi naman ako haggard pero nagretouch padin ako. And again, I compared my self to a highschool girl. Feeling ko makikita ako ng crush ko kaya kailangan sobrang ganda ko. Ano ba! Haha.



Pagkatapos kong mag-ayos ay lalabas na sana ako kaso naiihi ako bigla. Pumasok ako sa bakanteng cubicle tska umihi.




"What? What about the --!! rinig kong impit na sigaw ng kung sino mang babae sa labas ng cubicle kung nasaan ako.



Dahil naniniwala ako sa 'Mind Your Own Business', hindi ko nalang inintindi.



"Kier! You dont do that to me!"



Suddenly, she caught my attention when she said 'Kier'. Nacurious tuloy ako bigla. I stayed inside the cubicle to eavesdrop. I try to recognize her voice.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon