SPECIAL CHAPTER: A peek to their married life

165K 1.9K 80
                                    

(Basahin ang AN sa dulo please? Ü)



I'm just staring at nothing and let my tears fall freely. It's so damn hurtful, I didn't see this one coming..




JOKE! Trip ko lang magdrama. Nandito kasi ako sa garden, gusto kong makalanghap ng magandang simoy ng hangin at magpahinga mula sa mga iniisip ko. Ugh, nag-away kasi kami ni Josh. Hindi naman sa malaking away talaga, nagkatampuhan lang. Nagkasagutan kami kanina bago pa man siya pumasok sa office.



Sinabi ko kasi na palitan niya 'yung secretary niya, di pa daw pwede kasi kakasimula palang daw nun. The hell I care? I know I should be more mature pero nakakairita kasi talaga. His secretary should be professional and dedicated to her work! Her boss is already married yet there she is, fantasizing over my husband. I have no rights naman to interfere when it comes to his work, pero I suggested na i-fire niya na 'yung sekretarya niya. I bet we're at the same age.




We talked about it last last night, he said I shouldn't give malice because it's all about work, be professional lang daw. He also said na sadyang mabait lang daw ang secretary niya, and he calls it 'respect'. I admit that even girls knew he's married na, they still hoping na mapapansin sila ng asawa ko. Ang sasarap sungalngalin sa ngala-ngala. I know, I know na may gusto 'yung secretary ni Josh sa kanya. I once caught her staring at my husband with some emotion in her eyes without her knowing. Babae din ako, at alam ko ang hilatsa niya.



There's this one time pa na tumawag 'yung secretary niya sa personal phone niya. Why would she call Josh sa personal phone nito while meron namang company phone which is gamit ni Josh for all company stuffs? And why did she knew Josh's personal number? That's when I started na maghinala sa secretary niya. She's almost two months palang na nagtatrabaho, 'yung pinalitan niya ay naka-maternity leave. So eventually, aalis din siya pag bumalik na 'yung dating secretary ni Josh na si Emma. I can't wait for that to happen.




Kaya naman kami nagkasagutan kanina kasi I opened up again the topic. Our conversation went wrong, akala niya yata pinagdududahan ko siya. Heck, I just said na magpalit na siya ng secretary dahil hindi ako kumportable sa secretary niya ngayon. Yun lang naman pero nainis na siya. Should I begin to doubt?



So I decided, bibisitahin ko siya sa office niya ngayon. If I have to build fences around my husband, I'll do it para lang hindi siya aswangin ng mga stupid home wrecker. You may call it possessive but I don't give a damn. My property is mine and mine alone. Kung si Alison nga dati, hindi kami nasira, yung sekretarya niya pa kaya?



"Manang, ikaw muna ang bahala kay Bree, huh? I'll just visit Josh in the office." yes, we have a maid. Sabi kasi ni Josh, ayaw niya akong mapagod sa mga gawaing bahay dahil ang mga queen daw hindi dapat pinapagod. Pero kahit ganon, pagod parin ako. Sa ibang paraan nga lang..



Sumakay na ako sa kotse ko papunta sa office niya. I didn't bring any foods, ayokong matulad sa mga nangyayari sa TV. Yung tipong magdadala sila ng lunch for their love tapos may maabutan silang hindi maganda sa opisina. I don't want shits like that. Pero kung may mangyari mang ganoon-- knock on wood-- hindi ko alam kung anong magagawa ko.



I don't know kung anong mood ni Josh ang maabutan ko doon. So far, ito palang ang tampuhan namin na medyo matagal. Dati kasi pag nagkakatampuhan kami, di na siya papasok sa office para lang lambingin ako maghapon, that way magkakabati agad kami. I don't know kung bakit pumasok pa siya ngayon kahit na may tampuhan kami. Uh, hindi nga pala siya pwedeng mag-absent kasi may problem ang company sabi ni daddy. As a CEO, he needs to be there. Pero sana man lang tinext niya ako o kaya tinawagan.



I parked my car and walked to the elevator. Some employees greeted me, calling me Mrs. Castillo or Ma'am Aliyah. Hindi naman ako madalas dito pero kilala na nila ako. Even his secretary knew me. Pero mukhang walang takot ang isang 'yon sakin, balak pa atang maging mistress ni Josh.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon