Thirty-five

173K 1.6K 69
                                    

"One of the most courageous decisions you will ever make is to finally let go of whatever is hurting your heart and soul."


--

Im on my way to school. Hindi naman na ako pwedeng umabsent pa dahil puro ako cut sa mga klase nitong mga nakaraang araw. Bahala na kung makita ko si Josh, di ko naman siya maiiwasan dahil kahit anong mangyari, magkikita't magkikita kami.


Habang nagdadrive ay napadaan ako sa isang bridal shop. Hininto ko ang kotse ko ilang metro ang layo sa pintuan. Naalala ko ang shop na 'to, ito 'yung gusto kong shop na pupuntahan namin pag ikakasal na kami ni Josh, 'yun 'yung mga panahon na masaya pa kaming dalawa. Sayang lang, magaganda pa naman ang designs doon.


Matagal din akong nakatingin lang doon nang magpasya na akong umalis. Hindi ko pa man nai-start ang engine ay napahinto na ako, nakita ko kasing may nagpark na pamilyar na kotse sa harap nung shop.


Nakita kong lumabas si Josh mula doon sa kotse. I knew it! Sa kanya nga 'yung kotse. Nataranta ako bigla kaya nailaglag ko pa 'yung pinipasok kong susi kaya pinulot ko. Pagtingin ko ulit sa may shop, nakita kong naroon na siya sa loob (glass yung wall nung shop). Nakaupo siya, mukhang nagtetext kasi hawak niya 'yung phone niya. Habang sa harap niya... sa harap niya ay may... may babaeng nakatayo at mukhang nagsusukat ng gown.


H-Hindi ko na kaya 'yung nakikita ko, masyadong masakit sa dibdib. Mabilis kong pinaandar ang kotse papalayo doon.


Ouch. That was hard.


--

It's not over tonight

Just give me one more chance to make it right

I may not make it through the night

I won't go home without you



Habang nagdadrive ako pauwing condo galing school ay 'yan ang tugtog sa radyo. Ang ganda 'no? Nakakabadtrip. Pinatay ko nalang dahil medyo sapol ako eh. Hindi pa din nabubura sa isip ko 'yung nakita ko kanina. Kaya siguro sinabi niyang busy siya. Ako sana 'yung babaeng nagsusukat ng gown sa harap niya. Ako sana 'yun.



Kanina naisip kong sa mansyon muna umuwi. Kaso wag nalang pala, hindi na ako sa mansyon matutulog, ayoko doon. Sa tuwing nakikita ko ang sofa ay naalala kong may nangyari sa amin ni Josh doon. Lalo na sa condo, di ba? Pero kasi, gusto kong sa condo matulog. Gusto kong mag-isa pag-iiyak ako, gusto ko walang makakarinig, gusto ko walang iistorbo sa pag-eemote ko. Wala eh, broken hearted.


Alas-otso palang naman ng gabi, daan kaya muna ako sa bar? Mas maganda kung kasama ko sina Trixy at Rachel. Gusto ko bigla ng makakasama. Ang gulo ko talaga minsan.


Matapos kong tawagan ang dalawa para yayaing magbar ay nagpasya kaming magkita-kita nalang sa bar na laging pinupuntahan namin. Dahil mag-aayos pa ang dalawang 'yon ay nauna na ako. Ghad, isang oras pa bago makarating ang mga 'yon.


Nagpark ako at pumasok na sa loob ng bar. Medyo madaming tao ngayon, byernes kasi at walang pasok bukas kaya drink hard, play hard ang mga tao dito ngayon. Medyo maaga pa pero puro usok na at mga party girls. Umupo ako sa counter at umorder ng cocktail drink. Humarap ako sa dancefloor at tinignan ang mga nagsasayawan doon.


Maya-maya'y may umupo sa tabi ko kaya't di sinasadyang napalingon ako. Lalaki siya, hindi ko naman kilala kaya hindi ko nalang pinansin.


"Alone?" narinig kong tanong niya. Hindi ko alam kung sakin niya tinatanong o baka sa katabi niya sa kabilang gilid niya, hindi ko nga din alam kung may iba siyang katabi, "Miss?" napatingin na tuloy ako sa kanya, ako pala ang kinakausap.


Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon